Callista Ferrer
Bumalikwas ako ng bangon dahil sa kirot ng tyan ko.
"Ate bakit naka panty ka lang?" tili ni Celine na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.
Hindi ko pinansin ang tanong nito dahil nagkukumahog na akong pumasok sa loob ng banyo.
"Good morning!" bati ni Lauren na malawak ang ngiti at naka sandal sa pader ng banyo.
Ginantihan ko ito ng ngiti at mabilis na hinalikan ang labi nito.
"Magsusuot lang ako ng shorts tapos kumain na tayo ha."
***
Pagkatapos kumain ay ihinatid na ako ni Lauren sa coffee shop.
"Ingat sa pagda-drive ha." saad ko bago buksan ang pinto.
Pero hinila ulit nito ang kamay ko kaya sumubsob ako sa braso nito.
"Pupunta ako mamaya after ng meeting ko with Mr.Wilson. Wag kang magpapagod ha. I love you Baby."
Napangiti ako sa sinabi nito. "Ikaw ang wag magpapagod. Sige na bababa na ako. I love you."
Isang matamis na halik ang ginawad nito bago ako tuluyang bumaba sa sasakyan.
***
"Beshie! Namiss kita. Ba't wala ka kahapon?" bungad ni Marie na kasalukuyang nagbibihis ng uniform.
"Ah!May pinuntahan kasi ako kahapon."
"Kaya pala eh!Namiss tuloy kita."
Nginitian ko ito."Oh sya. Bilisan na nating mag-bihis, mukhang marami na kasing customer sa labas."
"Oo nga e, nag-sara na daw kasi yung café dyan sa kabilang kanto kaya tinatao na tong atin. Wait lang."
Nagulat ako ng hawiin nito ang buhok ko.
"What is the meaning of this Beshie?" kunot noo nitong tanong habang inginunguso ang leeg ko.
"Ha? Anong meron?"
"Yang pula sa leeg mo."
Bigla akong kinabahan at mabilis na tinakpan ang leeg ko. Lagot ka sa akin mamaya Lauren! Nag iwan kapa talaga ng bakas ha!
"Ah! Ba-baka namantal na yung kinagat ng la- langgam.Oo,kinagat ako kanina." saad ko at kunwari'y may inaayos sa bag ko.
"Hindi ako pinanganak kanina. Hmm." saad nito at dire-diretsong lumabas ng changing room.
Tiningnan ko kaagad ang leeg ko pero napasabunot ako ng makita ko ang pulang marka sa gilid niyon.
Nilagyan ko kaagad ito ng concealer bago ko ipuyod ang buhok ko dahil baka hindi lang si Marie ang makakita niyon kundi pati ang iba ko pang kasamahan.
Abala ako sa pag-gawa ng milk shake ng may magtakip sa mga mata ko mula sa likuran ko.
Mabango ang kamay nito kaya alam kong si Lauren iyon.
Napangiti ako ng palihim pero bigla kong hinampas ang kamay nito ng sumagi sa isip ko ang ginawa nito sa leeg ko.
"Hey! What was that for?" hiyaw nito.
Inirapan ko ito."Ikaw ha! Napapahiya ako ng dahil sa ginawa mo." pabulong kong saad.
"Why? What did I do?"
"Ito!" turo ko sa leeg ko.
Hindi ito nagulat kaya alam kong sinadya nitong gawin yon."I'm sorry,I couldn't help myself kaya nasipsip ko yan."
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomanceMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...