Calli FerrerFast Forward:
Isang buwan na akong nagtatrabaho sa coffe shop at isang buwan nalang din ay pasukan na.
Sahod ko ngayon kaya nakiusap ako kay Ma’am Cynthia na ngayon itaon ang rest day ko para naman mabilhan ko ng school supplies ang nga kapatid ko.
Mabuti nalang at kasama ko si Celine dahil sa dami ng inilista ng nanay ko ay baka hindi ko kayanin ang pagbubuhat sa lahat ng pinamili ko ng mag isa.
“Ate pagod na ako. Pwede bang magpahinga muna tayo tsaka kung may pera kapa pwede bang kumain muna tayo?"
Ginulo ko ang buhok nito. Sino ba naman ang makaka hindi kung ganito ka cute ang mag iinarte sayo.
Kinurot ko ang pisngi nito. “Ikaw talaga Lin. Hay naku kung hindi ka lang talaga mahal ni ate.”
“Aray anshaket ate!” reklamo nito habang hinahaplos ang namumulang pisngi.
Tumawa ako dahilan para umirap ito.
“Sorry na. Ang cute cute mo kasi.”
“Bumawi ka sa pagkurot mo sa pisngi ko.”
Hinila ako nito sa Starbucks. Hindi na ako nakapag reklamo dahil agad itong pumila para umorder ng makakain at maiinom. Naghanap nalang agad ako ng mauupuan, sakto naman dahil malapit lang sa entrance ang nag iisang bakanteng mesa kaya nilapag ko na doon ang mga bitbit kong eco bag.
Naglagay ako ng kaunting pulbos at liptint dahil konti nalang ay pwede ng magprito sa mukha ko.
“Oh ayan ate.Paborito mo.” bungad ni Celine. Natakam agad ako sa nakikita ko.
Isang Chocolate Frapp at honey glaze donut ang nasa harapan ko na isa sa mga paborito ko.“Thank You Lin. Ang bilis mo naman atang umorder.”
Hinawi nito ang buhok.“Syempre maganda kasi ako kaya prinioritize agad ako.”
Umakto ako na parang tinatangay ng hangin. “Woohh! Ang lakas ng hangin Lin,tinatangay ako.”
Binato ako nito ng tissue bago ito umupo.
Nagpupunas ako ng bibig ng mapansin kong papalapit sa amin si Maggie. Kasunod nito ay ang isang magandang babae.
“Hi Calli. Good thing nakita ulit kita. By the way, this is my bestfriend Lauren.” saad nito.
Napako ang tingin ko sa kaibigan nito. Kahit sinong makakita ay mag-aakalang isa itong modelo sa victoria's secret dahil sa ganda ng tindig nito.
“Lauren this is my friend. Calli.”
Tumingin ako kay Lauren pero walang expression ang mukha nito.Hinihintay ko na ilahad nito ang kamay sa akin pero nabigo ako dahil isang matamlay na tango lang ang natanggap ko.
“And who is this gorgeous girl?”
Napukaw ako sa tanong ni Maggie.
Tumayo si Celine at agad na nakipag kamay dito.“Ako po si Celine.Kapatid ko po si Ate Calli.” saad nito na abot tenga ang ngiti. Napako ang tingin ko dahil hindi ito kumukurap habang nakatitig sa mukha ni Lauren.
“Now I know why you guys are so pretty. It runs in the blood.” saad ni Maggie.
Minsan, naiisip ko na baliko itong si Celine dahil nai-estatwa ito sa magagandang babae. Pero grabe din naman kung kiligin sa tuwing nakaka-kita ng mga gwapong lalaki.
“Mags. Sorry to interrupt you but something came up so we have to go.” saad ni Lauren.
Hihilahin sana nito si Maggie pero mabilis kami nitong niyapos. At hindi nakalusot sa mga mata ko ang pagsimangot ng mukha ni Lauren.
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomanceMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...