Chapter Ten

982 19 0
                                    

Callista Ferrer



Ako ang nagtutulak ng cart habang si Lauren ay abala sa paglagay ng kung anu-ano,pinipilit kong ngumiti sa tuwing tumitingin ito sa akin pero ang totoo pagod na ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim habang nilalagay ang mga pinamili nito sa counter. Kahit abala ako sa ginagawa ay nahuli ko ang pagpapa cute ng cashier. Imbes na sa produkto ito tumingin ay si Lauren ang tinitingnan nito.

Psh! Napaka landi naman nitong babaeng to.

"Ako na ang magbabayad.Hintayin mo nalang ako sa kotse." saad ni Lauren.

Bago ako umalis ay tiningnan ko muna ang cashier na nakatingin parin kay Lauren.

Ang saya siguro nito dahil katapat nya na si Lauren.

Akala ko babalik na kami sa cafe pero ibang direksyon ang tinatahak namin. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta dahil parte ng trabaho ko ang sumama dito hanggang sa pumasok kami sa isang malaking gate.

Wow! Ang ganda ng bahay. Inikot ang mata ko sa paligid ng nito. Ang ganda talaga!

Bumaba kami sa tapat ng malaking pintuan na may mga naka-abang na katulong.

"Ms.L.Pwede pong magtanong?"

Huminto ito saglit."What is it?"

Hindi na ako nakatiis. Ang ganda kasi ng bahay. "Kanino po itong mansion? Ang ganda po kasi tapos ang laki pa."

"This is my parent's house."

Nalaglag yata ang panga ko sa sinabi nito.

Ang yaman naman ng pamilya nya. Siguro mayaman din ang boyfriend nito.

"Do you know how to cook?" tanong nito.

"Medyo po. Ako kasi ang nagluluto kapag wala si Mama."

She chuckled. "Oo o hindi lang ang hinihintay kong sagot,andami mo pang sinabi.Anong alam mong lutuin sa pasta?"

Nag-isip ako ng mga niluto ko dati na nagustuhan ng mga kapatid ko.

"Ah!Spaghetti at carbonara po."

"Sige gumawa ka ng spaghetti."

Tumango ako at nag-umpisa ng kumuha ng mga ingredients. Kanina pa ako naghahanap ng mushroom pero wala akong makita.

"Saan ba dito nakalagay ang mushroom asungot?" Natakpan ko kaagad ang bibig ko. Lagot! Baka narinig ito ni Lauren. Malakas pa naman ang pagkakasabi ko.

"What did you just call me?Asungot?"

Idinikit nito ang bibig sa leeg ko kaya nakikiliti ako ng dahil sa hininga nito.

"Ang sabi ko ku-kung nasaan yung mu-mushroom. Nagkamali ka lang yata ng narinig."

Mas dinikit pa nito ang bibig sa leeg ko at hinapit ang bewang ko. "What do you think of me.Deaf?"

"Ms.L yun nama-"

"Ayyy sorry po!! Sigaw ng isa sa katulong nila Lauren.

Binitawan agad ako ni Lauren ng marealize nitong awkward ang posisyon naming dalawa. Umalis agad ito matapos ilapag ang dalang plato at tiningnan ako ng mapanuri.

"Magluto kana. Yung mushroom nasa cabinet. Kunin mo nalang." seryosong saad ni Lauren.

Tsk! Ang bilis magbago ng mood nito.

Umalis si Lauren sa tabi ko at umupo sa lababo. Ako naman ay abala sa paggagawa ng spaghetti. Tinikman ko kung okay ang lasa para wala itong masabi.

Into You ( gxg tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon