Chapter Thirteen

989 21 0
                                    

Callista Ferrer

Magka halong excitement at kaba ang nararamdaman ko habang tinatahak ang campus.

Naglalakad ako patungong building three ng humarang ang isang itim na sasakyan sa harapan ko.Napatingin ako sa mga taong nag-hihiwayan habang nakatingin sa taong lumabas ng sasakyan.

"Ms.L?"

Ang ganda nito sa suot ngayon. Hindi ko alam na sikat pala ito sa campus.

Lumapit ito."Call me Lauren if we're school." bulong nito.

Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil nagkumpulan na ang mga tao kaya umalis na ako sa kinatatayuan ko.

"Miss pwedeng magtanong?" tanong ko sa babaeng nakasalubong ko.

"Ofcourse what is it?"

"Alam mo ba kung nasaan ang room 215? Hindi ko kasi makita eh."

Ngumiti ito."We're classmates sa unit na yan. By the way I'm Cassandra Martinez." nilahad nito ang kamay, tinanggap ko naman ito.

"Ako si Callista Ferrer."

"Okay Calli but we need to walk faster. Kailangan nating maunahan si Mr.Clean."

"Huh? Sinong Mr.Clean?"

"Just walk. He's going this way."

Hindi ko man maintindihan ang ibig sabihin nito ay sumama na rin ako sa paglalakad.

Huminto kami sa room kasabay ng kalbong professor. Huminto ito sa harap ni Cassandra.

"Cassandra. Hanggang ba naman ay late ka parin? Hindi ka ba nag-sasawang bumalik sa unit na ito?" saad nito na nakapamewang.

Umirap ito. "Tito you're highblood nanaman. Ayaw mo nun? Hindi ka mawawalan ng magandang student."

"Manang mana ka talaga sa Mommy mo. Pumasok na nga kayo dito at maglilecture na ako."

"Tito mo siya?"

Tumango ito."Yeah! He's my super duper gay uncle."

Marami ng naka-upo sa likuran kaya wala kaming choice kundi ang umupo sa unahan.

"May naririnig ka bang sumisitsit?" tanong ko kay Cassandra sa gitna ng discussion.

"Just ignore it girl."

May tumamang papel sa ulo ko kaya nagawa kong lumingon sa likod.

"Lauren?" natakpan ko ang bibig ko dahil nagtinginan ang mga kaklase ko.

"Diba third year kana? Paano tayo naging magkaklase." bulong ko pero alam kong narinig nito.

"I missed this unit.Kaya kailangan kong mag re-take."

"Ms.Ferrer and Ms.Smith pwede ba naming malaman kung ano ang pinag-uusapan nyo? Busy ako sa pagli lecture pero busy rin kayo sa pag-uusap dyan."

Tumayo si Lauren. "It's nothing Ms.Austria."

Nakinig ako ng maayos kahit pilit parin akong kinukulit ni Lauren."

***

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa coffe shop. Ako muna ang papalit kay kuya Ronnie dahil absent ito.

"Psh! Andito na naman." saad ni Erika ng makita ako.

"Anong sabi mo Erika?" tanong ni Marie.

"Bakit may narinig ka?" matapong na sagot nito. Sasagot pa sana si Marie pero hinigit ko na ito palayo kay Erika.

Into You ( gxg tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon