Callista Ferrer
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na pagmamay-ari ni Lauren ang coffee shop na pinagta-trabahuan ko.
Ngayon lang pumasok sa utak ko ang lahat ng mga salitang nabitawan ko dito. Nanlulumo akong tumingin sa mga kasamahan ko. Magkaka halong takot at kaba ang nararamdaman ko. Paano kung tanggalin ako nito sa trabaho?
Sinabunutan ko ang sarili. Napaka tanga kong tao.
"Beshie. Pinapa-punta ka ni Ma'am Cynthia sa opisina."
Tiningnan ko si Marie na alam kong nag-aalala para sa akin.
"Galit ba si Ma'am?"
"Hindi ko mabasa ang expression nito e. Alam mo naman yon, hindi mo mawari ang mukha."
Bahala na nga! Kinakabahan man ay nilakasan ko parin ang loob kong harapin si Ma'am Cynthia. Sinenyasan ako nitong maupo.
"Callista! Alam mo naman siguro kung ano ang pagkakamali mo." saad nito.
Yumuko ako dahil hindi ko kayang pantayan ang mga titig nito.
"Ma'am Cynthia pasensya na po talaga. Hindi ko po kasi alam na si Lauren ang may-ari nitong coffee shop."
Bumuntong hininga ito."Naiintindihan ko naman dahil bago ka palang at hindi madalas ang pagbisita ni Lauren dito kaya hindi mo sya kilala. Pero hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa mo dahil una, isa sa batas ng coffee shop ang pag-galang sa customers at sa mga namamahala nito."
May kinuha itong sobre sa drawer at inabot sa akin.
"Ito ang huli mong sahod. Pwede ka ng umuwi. I'm really sorry Callista."
Hindi ko na napigilan ang pag patak ng luha ko. "Ma'am please bigyan nyo pa po ako ng pangalawang pagkakataon. Kailangan ko po talaga itong trabaho."
Nakikita ko sa mga mata nito ang awa pero alam kong ginagawa lang din nito ang trabaho.
"Ayoko rin namang tanggalin ka dahil naging maayos din naman ang pagtrabaho mo but I have to do this. I'm sorry!"
Wala akong ibang nagawa kundi ang kunin ang sobre at tanggapin ang katotohanan na wala na akong trabaho.
Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na naging parte narin ng buhay ko. Nalulungkot ang mga ito pero tulad ko ay wala rin silang magagawa sa pasya ni Ma'am Cynthia.
Dumating ako sa bahay at pabagsak na umupo sa sofa. Mga ilang minuto lang ay dumating na rin si Mama. May dala itong bugkos ng bulaklak.
"Maaga ka yata ngayon anak." tanong nito.
"Oo nga po Ma." wala sa sarili kong saad.
Ibinaba nito ang hawak na bulaklak sa mesa at naupo narin sa sofa.
"Ang saya ko ngayon anak.Madagdagan na kasi ang kinikita ko dahil tumawag ang Tita Millette mo na nasa Japan. Nagpatayo ito ng flower shop sa Makati at ako ang magma-manage." saad ni Mama na puno ng galak ang mga mata.
Naging masaya rin ako sa ibinalita nito. "Mabuti naman kung ganon Ma."
"Talagang mabuti para naman hindi kana magtrabaho. Tingan mo itong mga bulaklak. Tira ito sa mga inayos ko dun sa shop,inuwi ko na kasi sayang. Tsaka hindi na ako papasok sa parlor bukas."
Niyakap ko ito at saktong pumatak ang lukha ko.
"May problema ba?" tanong nito habang hinahaplos ang likod ko.
"Wala na po akong trabaho Ma. Natanggal po ako ngayon."
Mas lalo akong napaiyak ng maalala ang nangyari kanina.
"Wag ka na ngang umiyak. Hindi ba't ayaw ko rin naman talaga na magtrabaho ka kaya okay lang yan." hinalikan nito ang noo ko.
"Salamat Ma. Aakyat po muna ako sa kwarto."
Nagmano ako bago ito iwan sa salas.
Kahit sabihin pa nito na hindi ko kailangang magtrabaho ayoko parin na iaasa ang lahat sa kanya. Ano pa ang silbi ko bilang panganay kung mag-mumukmok lang ako sa bahay?
Bukas na bukas ay mag hahanap ako ng trabaho. Hindi ako makatulog ng maayos kaya naisipan kong maghanap ng trabaho online. Pero halos lahat ng nakikita ko ay College Grad ang hinahanap.
Gusto kong humingi ng tawad kay Lauren pero paano? Ni hindi ko nga alam ang buo nitong pangalan para sana makausap sa facebook.
Nagmumuni-muni ako ng tumunog ang cellphone ko. Wala man sa sarili ay sinagot ko ito.
"Hi Callista. Si Manager Cynthia to. Pwede ka bang bumalik sa coffee shop?"
Bumangon ako at tiningnan kung numero ni Ma'am Cynthia ang nasa screen ng cellphone ko. At sya nga.
"Pupunta na po ba ako ngayon?"
"Yes.Bye!"
Hindi ko malaman kung ano ang uunahing gawin. Napatalon ako sa sobrang kasiyahan. Naghilamos ako at naglagay ng kaonting make up.
Hindi na ako nagpaalam kay Mama dahil alam kong nagpapahinga na ito sa ganitong oras.
Nagtaka ang mga kasama ko ng makita ako sa coffee shop. Hindi ko na nagawang makipag kwentuhan sa mga ito dahil pinapasok na ako ni Ma'am Cynthia sa opisina.
Hindi ko alam kung ano ang i-react ko ng makita ko sa upuan si Lauren.
"Ayon sa resume mo, first year college ka sa pasukan at nakatanggap ka ng scholarship sa San Veda. Is it right?"
"O-opo Mi-Miss Lau- Miss L!"
Ano ba? Bakit ka ba nabubol? kastigo ko sa sarili.
Tumayo si Lauren at pabalik balik na naglakad. Nakatingin ito sa resume ko at paminsan minsan ay tumitingin sa akin.
"I will give you a second chance. Have you notice na meron ng nakapwesto sa dati mong pwesto?"
Tumingkayad ito sa mesa kaya naamoy ko ang hininga nito. Ang bango ng hininga nito.
"O-opo nakita ko po."
"Kumuha na kami ng bago dahil gusto kong magtrabaho ka sa akin. You will be my personal assistant. Pero kapag nag-umpisa na ang klase, ibabalik na kita dito sa coffee shop."
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nito. Naguguluhan ako kung tatanggapin ko ang offer nito.
"So? Tatanggapin mo ba ang offer ko o hindi?"
Bahala na nga. Tutal kailangan ko ng trabaho.
"Opo tinatanggap ko po."
Ngumiti ito at nilahad ang isang kamay. Nag aatubili akong tanggapin yon kaya ito na mismo ang kumuha sa palad ko. Shit! Ang lambot ng palad nito.
"Thank You Callista. You can leave now."
Tuwang-tuwa si Marie ng nilapitan ko ito. Niyakap ko ito para mapadama ang kasiyahang nararamdaman ko. Pero nawala ang ngiti ko ng irapan ako ng babaeng nasa dati kong pwesto. Maging si Marie ay nakita ang ginawa nito kaya dumistansya kami ng kaunti.
"Naiinis ako sa babaeng yan. Ni hindi man lang kami kinakausap at hindi kami nginingitian. Tapos sipsip pa kay Ms.L! Sana nga ilipat na yan sa kabilang shift dahil baka masabunutan ko yan."
Pinalo ko ng mahina ang braso ni Marie.
"Hayaan mo na. Malay mo kapag tumagal yan ay magbago rin ang ugali."
"Tsk! Sana nga. Pero teka, namiss kita Calli. Alam mo ba na nalungkot kami ng umalis ka. Naniniwala na talaga ako na mabait yang si Ms.L!"
Magsasalita sana ako pero papalipat sa amin si Ms.L!
"Hindi kapa ba uuwi?" saad nito.
Umiling ako."May iuutos po ba kayo?"
"Mag go-grocery ako. Magpapasama sana ako sayo."
__________________________________________
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomantiekMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...