Chapter Eighteen

932 19 0
                                    

Calli Ferrer

Bumalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto. Uminat ako bago ito buksan.

"Oh? Bakit ang haba ata ng nguso mo?" tanong ko kay Celine na nagmamaktol.

"Si Mama kasi ayaw akong payagang sumama sa outing."

Humiga ako sa kama habang pinagmamasdan ito. "Saan ba dapat kayo pupunta?"

"Sa Laguna nga. Magsi-swimming sana kami. Wala pa naman kasing klase e."

Imbes na maawa ay natatawa ako sa itsura nito.

"Eh sino ba sanang kasama mo?"

"Si Louise pati yung mga pumunta dito kahapon."

May naisip akong ideya para hindi na ito mag-maktol.

"Sige lumabas ka muna at may kakausapin ako."

Lumabas naman agad ito. Ayoko sanang istorbohin si Lauren, pero hindi ko matiis ang kapatid ko.

Kinikilig ako habang pinagmamasdan ang litrato naming dalawa ni Lauren, naalala ko tuloy ang ngyari kagabi.

Flashback:

"What are we doing here?" tanong ni Lauren dahil hinila ko ito paakyat sa kwarto. Kinuha ko ang pagkakataong yun dahil abala ang mga bisita sa garahe.

Balak ko na kasi itong sagutin. Matagal tagal na rin naman kasi itong nanliligaw at napatunayan ko naman na hindi na ito babaero katulad ng dati.

Sinarado ko kaagad ang pinto at malalim na huminga.

"Lauren! Ahm, alam kong matagal kana ring nanliligaw at alam kong matagal mo na ring hinihintay ang sagot ko.Pero-."

"Are you dumping with me?"

Natawa ako kaya hinampas ko ito sa balikat."No.Kaya nga kita dinala dito dahil gusto na kitang sagutin."

"What? Totoo ba to Calli?"

Malapad akong ngumiti."Yes.Sinasagot na kita."

Hindi maikaka-ila ang tuwa sa mukha nito. Kinabig ako nito at mabilis na hinagkan sa labi.

"Thank You Calli!" saad nito ng maghiwalay ang mga labi naming dalawa.

"Tara na, bumalik na tayo sa baba. Pero atin-atin muna to ha."

Bago pa man kami maka-baba ay mabilis nitong kinintalan ng halik ang labi ko.

At yun ang dahila kung bakit hanggang ngayon ay masaya parin ako. Naka-ngiti ako habang dina-dial ang numero nito.

"Hi Baby! Good morning." bati nito sa kabilang linya.

"Naistorbo ko ba ang tulog mo?"

"Hindi.Actually kanina pa ako gising.Why Baby?"

Ang sweet naman nito.Mas lalo tuloy akong kinikilig.

Into You ( gxg tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon