Celine Ferrer POV
Masaya akong gumising ngayong umaga para good vibes ang birthday ko. Sa wakas, kinse na ako.
"Good Morning Mommy! Daddy! Brother's and Sister's!" tili ko habang mabagal na bumababa ng hagdan.
"Ate wala naman tayong Daddy eh!" sigaw ng kapatid kong si Cyrill na abala sa panunuod ng t.v.
"At wala tayong brother." segunda naman ng isa ko pang kapatid na si Criselda.
"He! Mga kj talaga kayo." Umirap ako bago talikuran ang mga ito. Dumiretso ako sa kwarto ni Mama at nadatnan itong abala sa pag aayos ng kwarto.
"Good morning Mother! I'm a lady na kaya pwede na ako mag jowa!"
Tinakpan nito ang tenga dahilan para tumawa ako.
"Ikaw Celine mas naiisip mo pa yang ganyang bagay kesa sa ate mo." saad nito na mataman akong tiningnan.
Lumabi ako at yumakap sa likuran nito."Ma! Diba pangako mong ipaghahanda mo ako ngayon."
"Oo na.Wag kanang magpa cute dyan dahil naiorder na kita ng mga gusto mo."
Pumalahaw ako sa narinig ko. Mabilis ko itong hinalikan sa pisngi. "Thank You Mother Dear!"
Masaya akong lumabas sa kwarto nito.
Isa nalang ang kailangan kong sisiguraduhin,yun ay ang masigurong makakapunta ang mga kaibigan ni Ate Calli.
Iniisip ko palang kinikilig na ako. Simula kasi ng makita ko si Ate Lauren ay nagka gusto na ako rito.Kaya sana ngayong birthday ko ay makita ko ito.
"Ate Calli!" tili ko ng makapasok sa kwarto.
Day-off nito sa trabaho kaya hanggang ngayon ay tulog parin ito.
Niyugyog ko ang balikat nito dahilan para idilat nito ang mga mata. "Ano ba? Inaantok pa ako eh!" reklamo nito bago muling ipikit ang mga mata.
Muli ko itong niyugyog ng mahina. "Diba sabi mo papupuntahin mo sila ate Lauren?"
"Oo.Nasabi ko na sa kanila.Wag ka raw mag-alala dahil pupunta sila. Kaya pwede bang umalis kana,inaantok pa kasi ako."
Tuwang-tuwa ako ng marinig yon.
Kailangan kong mag-ayos mamaya para maganda ako sa paningin ng ultimate crush ko.
Alas singko na ng hapon kaya nagbihis na ako.Nagsuot ako ng denim skirt at fitted shirt na regalo ni Mama.
Kasalukuyan akong naglalagay ng lip tint ng mag bukas ang pinto ng kwarto. "Ate bumaba kana raw.May mga bisita kana dun sa sala." saad ng kapatid ko.
"Sige bababa na ako."
Pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa kaya umarte ako na parang isang modelo.
"Ang panget mo!" sigaw nito at mabilis na lumabas ng kwarto.
Tumingin ako sa salamin pero isang magandang dilag ang nakikita ko.
Nadatnan ko sa salas ang mga kaibigan ko. Malawak ang mga ngiti nito at sinalubong ako ng yakap.
"Celine ang ganda mo naman ngayon.Mukhang pinaghandaan mo talaga ang pagdating ni Lo-" kinurot ko kaagad sa tagiliran ang kaibigan kong si Bernard. He's gay but we prefer to call her Dara.
Lumaki bigla ang mga mata ko sa mga regalong tumambad sa harapan ko. I really can't wait to open those gifts.
Magkasabay namang dumating ang mga bestfriend ko.
"Girl! Happy Birthday.Lalo kang gumanda ngayon." bati ni Carlo na isa ring gay. Nilahad ko ang palad ko kahit na alam kong wala itong dalang regalo.

BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
Любовные романыMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...