Callista Ferrer
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa tunog ng alarm clock.
Nilibot ko kaagad ang kabuuan ng silid at doon ko lang naalala na nasa bahay ako ni Lauren.
Sinipat ko ang sarili ko dahil wala akong anumang saplot.
Hinawakan ko ang kasarian ko pero wala naman akong naramdaman na kakaiba kaya alam kong hindi sinamantala ni Lauren ang kalasingan ko.
Pumili ako sa drawer ni Lauren ng loose shirt at isang cycling. Matapos kong mag ayos ay bumaba na ako para hanapin ang girlfriend ko.
Nalulungkot din ako dahil hindi naging maganda ang unang taon namin bilang magkasintahan.
"Good Morning Ma'am Calli!" bati ng isang katulong na may hawak na tray.
"Good Morning din po Manang. Ahm nakita nyo po ba si Lauren?"
"Nasa Gazeebo po Ma'am.Heto nga at dadalhan ko nitong kape."
"Ganun po ba?Ako nalang po ang magdadala nyan." Nginitian ko ito at kinuha ang tray mula sa kamay nito.
Nilapag ko sa mesa ang hawak kong tray at pinagmasdan ang kurbadang likod ni Lauren.
Abala itong nakikipag usap sa telepono kaya malaya kong napagmamasdan ang flawless nitong binti.
Lumingon ito sa kinaroroonan ko kaya nilapitan ko ito at mahigpit na niyakap.
Kailangan kong bumawi dahil alam kong nagalit ito kagabi. "Good Morning Lauren ko." saad ko at mapusok itong hinalikan.
Nagulat ito sa inakto ko."Baby anong nangyayari sayo?" saad nito.
Yumakap ako sa batok nito at hinalikan ulit ang labi niya.
"I missed your lips." saad nito ng maghiwalay ang mga labi namin.
"Sorry sa nangyari kagabi ha.Pero alam mo nagtataka parin talaga ako kung paano mo nalaman ang bahay ni Marie."
Bumuntong hininga ito."Well thanks to GPs dahil natunton kita. But who was the guy you were flirting with last night?"
Inaalala ko kung sino ang sinasabi nitong lumalandi sa akin kagabi pero wala akong maalala.
Pero biglang sumagi sa isip ko ang binatilyong pinsan ni Marie na si Joshua.
Tumawa ako at pinulupot ang braso ko sa batok nito. "Ang cute mo talagang mag selos. Pero sobrang bata pa ng pinagseselosan mo at tsaka hindi nya po ako nilandi."
"Whatever! He's still a guy Calli. Kahit bata yon sa paningin mo,tatayuan parin yon."
Nahampas ko ang balikat nito. "At sa tingin mo papatol ako sa batang yon?Lauren please naman ikaw ang una kong naging karelasyon at hinding hindi kita ipagpapalit. Kaya wag ka ng mag-isip ng tungkol sa batang yon."
"Okay I will try. Ang hirap palang iwanan ka baby.Baka maraming lalaki ang manligaw sayo kapag wala ako." malungkot nitong saad.
"Wag mo ngang isipin yan.Mahal kita at hindi kita kayang lokohin.Ikaw lang naman ang babaero dyan eh."
"Ah! Babaero pala ha."
Kinarga ako nito hanggang sa marating namin ang kwarto nya. Nilapag ako nito sa kama at hingal na hingal na humiga kaya kumuha ako ng tubig sa mini fridge at inabot dito.Hindi ko na rin napigilang hindi tumawa habang pinagmamasdan ito.
"Okay ka na? Ayan kasi binuhat mo pa ako alam mo namang mabigat ako."
"Ang bigat mo nga Baby."
"Halika hihilutin ko yang balikat mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/242655995-288-k351772.jpg)
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomansaMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...