Simula

945 22 6
                                    

Nakaupo ako sa harap ng aking Vanity Mirror habang sinusuklay ang aking mahabang buhok na kasing haba ng pasensya ko, hindi ko alam kung magttimpi pa ko o hahayaan na lang na maging sunod sunodan sa utos ng aking mga magulang.

"I'm not a robot, they dont have any rights to control me." Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa aking sariling reflection sa harap ng vanity mirror.

Pinalaki akong parang prinsesa, ibinigay sakin ang lahat, pero isang araw...

"Anak. Natasha." Tawag sakin ng aking Mommy habang nakikita akong pababa ng aming hagdan, nakaupo sila ni Daddy sa sala pero kita sa mukha ni Mommy ang pag aalala.

"Yes mom? Is there something wrong?" I asked mommy, nakaramdam ako ng kaba.

"Hija, may sasabihin kami sayo ng Daddy mo." Ani ni mommy

"What's that mom? You guys are making me nervous." I replied

Napaubo si Daddy, parang may bara sa lalamunan nya na nais nya maalis. May panginginig sa boses ni Daddy nang sinimulan nya magsalita. "Anak... may nagugustohan ka ba ngayon?"

"What the----" napanganga ako sa tanong ni Daddy, when did they start caring about my lovelife? tho wala naman. "I'm not into relationship Dad ...and why are you asking me that question?"

Nag tinginan sila Mommy at daddy habang papalakad ako para umupo sa tabi ni mommy.

Huminga ng malalim si Daddy bago sabihin ang bagay na pwedeng magpabago sa aming relasyon. "Natasha, ikakasal ka sa Anak ng mga De Luna. Napagksundoan namin iyon ng mommy mo at ng mga De Luna"

Nanlaki mga mata ko, feeling ko pinag tritripan lang ako ni Daddy, nag aantay ako na sabihin niyang "Issaprank". Habang tinititigan ko si Mommy nangngilid ang kanyang mga luha. Mukhang takot sa magiging reaction ko.

"Daddy, Mommy. 2021 na po. Uso pa ba yang fixed marriage na yan?" I asked them casually

Halatang nawala yung kaba na nararamdaman ni Mommy and Daddy na nakita nilang kalmado ako.

"Anak, a...ano" Utal ni Mommy

"Mom, speak properly please. I'm not mad or what pero di ba you guys are going to respect my decision if ever I don't want it?" Actually di ko din sure kung papakinggan nila ako or not, I just tried saying those words baka makalusot.

"Anak, hindi pa naman kayo ikakasal agad. Kilalanin niyo muna ang isat isa." Ani ni Mommy

"Mahal, kahit hindi nila magustohan ang isat isa tuloy pa din ang kasal." Sabi ni Daddy kay Mommy na mukhang di sang ayon sa nanyayari. "Natasha, anak para sa ikakabuti mo ito. Matagal na naming Kilala ang mga De Luna. Madalas din nakakasama pero di mo pa sila nakikiala kasi lagi kang busy sa pag dedesign mo."

"I still have a choice right?" Protesta ko

Napabuntong hininga si Daddy "Yes you have a choice, and that's to allow the young De Luna to be closer to you."

"Dad! You're unbelievable!" sigaw ko kay daddy, tumayo ako at tinignan si Mommy "And also you mom, you allowed this to happen." Naiiyak si mommy. Sobrang emotional na tao ang mommy ko lalo na pagdating sa akin pero sa pagkakataong ito di niya magawang kontrahin si Daddy.

Tumakbo ako pabalik ng kwarto ko at nagkulong roon.

Buong araw na ko di lumalabas ng kwarto, dinadalhan na lang nila ako ng pagkain iniiwan sa labas ng pinto.

May narinig akong pagkatok sa pintoan "Anak," Boses iyon ni Mommy. "Anak, linggo ngayon gusto mo ba magsimba?"

"Hindi na mommy, kahit anong dasal ko di din naman magbabago decision nyo." sagot ko

Kilala ko si Daddy, hinding hindi magbabago decision non. Kaya ba nila sinusunod lahat ng luho ko dati kasi ito ang kapalit? Sa tingin ba nila yung utang na loob ko bilang anak katumbas ng pagsunod ko sa kanila sa fixed marriage na yon?

Ikinwento ko sa bestfriend kong si Akisha ang nanyari, dali dali siyang pumunta sa bahay.

"Tash." rinig kong tawag nya na mula sa pintoan ng aking kwarto, pinagbuksan ko agad sya.

Umupo sya sa aking kama na katabi lamang ng vanity mirror kung san ako nakaupo. Gulat na gulat si Akisha sa kinwento ko.

"Sino ba sa magkaptid na De Luna? Sa Pagkakaalam ko dalawa ang anak nilang lalaki." tanong nya sakin

"Ewan ko kung sino don. Inaaddress lang siya ni Dad na "Young De Luna", baka nga di din sure si Dad kung sino sa kanila?" sagot ko kay Akisha na busy sa pag cecellphone. Gulat na gulat ang mukha nya habang tinitignan ang kanyang phone. "Kish," tawag ko.

"Tash!!! Anng gwagwapo nila. Silang magkapatid. Kahit sino sa kanila pwede na. Ay mali hindi "pwede na" PWEDENG PWEDENG sayo." sabi ni Akisha habang kilig na kilig sa pag sscroll and stalk. Ipinakita nya iyon sa akin pero wala akong pakialam. Hindi ko tinignan, kahit gaano pa kagwapo kong di ko naman mahal wala din.

"Akisha, madami bang body guards sa baba? Dala mo ba sasakyan mo?" tanong ko habang tinititigan si Akisha, hindi ko alam kung papano at bakit ko naisip ang idea na naglalaro sa utak ko ngayon. Nangingiti ako habang tinitignan si Akisha.

Napakunot ang noo ni Akisha habang tinititigan ako, ramdam nya ata na may pinaplano ako. "Oo, madaming body guards sa baba at dala ko yung car ko, si Kuya Robert driver."

Nanlaki ang mata ni Akisha ng makita nya ang ginawa ko. "NATASHA NICOLA!!!" Napsasigaw sya sa gulat. May hawak akong gunting sa aking kamay at putol na buhok sa kabila. Ngumiti na lang ako sa kanya na para bang aksidente ang pagkakaputol ko sa buhok ko.

"Magkasing haba na ba tayo ng buhok?." Tanong ko sa kanya na hindi pa din makapaniwala sa ginawa ko.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon