Chapter 14

229 20 0
                                    


*Arcane's POV*

Naglalakad ako pababa ng aming hagdan nang naramdaman kong parang may lindol sa loob ng bulsa ko dahil sa pag vivibrate ng cellphone ko. Kinuha ko ito para tignan kong anong kaguluhan ang nangyayari.

Groupchat pala naming magpipinsan sa Messenger: De Luna lang Sakalam. si Reg and Russ lang ang may dalang De Luna saming magpipinsan kasi only boy si Tito Josef sa apat na magkakapatid.

De Luna Lang Sakalam

Sebaliw: Reg ano na? Baka nakabaon ka na

Eat hon: HAHAHA TF Seb

Sebaliw: Na saan pala si Arcane? Hindi ata active today mag pa search and rescue na ba tayo?

Napangiwi na lang ako, I'm a busy person you know.

Russco: anong ginagawa ko dito?

Eat hon: @Russco ampon ka talaga lods

Russco: ..!..

Sebaliw: Russ san na baby bro mo?

Russco: Na sa baby nya

Eat Hon: Tangna di pa din nakamove on kay Dianna?

Russco: di mo sure...

Eat Hon: Pustahan kay Tash ako

Sebaliw: Tanga alam nating kay Tash yan

Russco: Yawa ka eh bakit ka pa nagtatanong kung di pa nakakamove on? Tarantadong Arcane kasi to, lakas manulsol landi landi lang nauwi sa pagiging jowa amputa.

Sebaliw: Ginusto naman ni Reg ligawan si Dianna kaya OK lang yun.

Sebaliw: Naaalala daw kasi ni Reg sa kanya yung bata sa Peak.

Eat Hon: Oo nga tapos si Arcane pa nanggatong na baka si Dianna yun kaya ligawan na nya. Dianna Nathalia Villa. Nathalia Nat Nat daw lol. Napaka talino

Hindi ko na napigil ang sarili ko at nagreply na ko sa mga walang kwentang messages ng mga aliping sagigilid.

Arcane ka lang bebe girl: Tang ina nyo mga kalalaking tao ang chichismoso

Eat Hon: Nagsalita ang hindi. Ano na kakahugot mo lang ba at ngayon ka lang nag paramdam?

Arcane ka na lang bebe girl changed his name to Arc Hottie.

Arc Hottie: Punta ako dyan sa inyo Seb

Sebaliw: Mambuburaot ka lang

Arc Hottie: OTW

Eat Hon: Me toooo

Sebaliw: Wala ako sa bahay

Russco: Autopass

Regi Pogi changed his name to YoseffNicola <3

Sebaliw: Tang ina...

Eat Hon: Manok ko yan

Arc Hottie: Ukinam

Russco: Kay Blake ako

YoseffNicola <3: @Russco ..!..

Russco: Juts amputa

YoseffNicola <3: Dito na ko sa bahay nyo @Sebaliw

Sebaliw: Mga istorbo, yawa kasama ko Aubrey eh. Papunta na

Eat Hon: Hugotin na yan!

Natatawa akong ibinaba ang cellphone ko, puro kalokohan talaga kahit kailan. Papalabas na ko ng bahay nang madaanan ko si Mom and Dad na nakaupo sa sofa sa may sala at naguusap.

"Mom Dad kina Seb lang." Paalam ko

Tumango naman si dad at ngumiti si Mom. "Ingat baby." Sabi ni Mom. Baby pa nga.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon