Chapter 10

220 20 9
                                    

Pagkalipas ng tatlong oras na byahe, nakarating na rin ako ng Mansion.  Lagpas isang buwan din akong nawala, ganon pa din naman ang mansion walang nagbago.

Hindi na ko nakibalita tungkol sa pag iiskandalo nong dalawa. For sure it's because of Dianna. Si Dianna at hindi ako.

Pagkapasok ko ng aming mansion sinalubong ako ng mahihigpit na yakap ni  Nana Ester. "Mahabagin Natasha, buti at umuwi ka na." Tinanggal ni Nana ang pagkakayakap sakin at hinawi ang onting hibla ng aking buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Nana, pasensya ka na po." Kitang kita ko sa mga mata ni Nana ang pag aalala, pero nawala din ito ng yakapin ko uli sya.

Tanging ngiti lamang ang isinagot nya sa akin, napansin kong may mga taong nagtatawanan. Sinubokan kong silipin ang mga tao na na sa hardin, mukhang may salu salo. "Nana, sino po mga bisita ang na sa garden?"

"Mga De Luna." maikling sagot ni Nana. Napatango ako sa sinabi ni Nana. Wait.... Mga De Luna? Bakit loading ako? Ibig sabihin andito din sya?

Dali dali akong tumakbo papunta sana sa kwarto ko, bago pa ko makarating sa may hagdan biglang may humapit sa bewang ko galing sa likoran at naramdaman ko ang matigas na dibdib nito. "Bakit ka tumatakbo?" Tanong ng baritonong boses na pamilyar sa akin. "May balak ka na namang maglayas?."

Na estatwa ako sa aking kinakatayoan, we never been this close. Kahit na nakatalikod lamang ako sa kanya at nag bibig nito ay halos kalebel lng ng aking ilong, Na aamoy ko ang pabango nya, minty breath, manly scent.

Napapikit na lang ako ng maalala kong mali pala ako. We've been this close, hindi lang close, closer pa ng gabing naglapat ang aming mga labi. Mahabagin.

Isang tikhim ang umagaw sa attention namin, sigurado akong si Dad yun. Nang lumingon kami nakita namin Ang Daddy ni Reginald na may ngisi sa mga labi, habang na sa gilid naman nya si Daddy na nakakunot ang noo.

Mukhang walang balak kumalas si Reginald sa pagkapulupot ng braso nya sakin kaya ako na mismo ang nag alis nito.

Tumayo ako ng diretso at pasimpleng inayos ang dress ko, habang itong lalaki sa gilid ko nagawa pang mamulsa.

"Good Evening po Mr. De Luna." Pagabati ko sa daddy ni Reg at lumapit naman ako kay Daddy at hinalikan ang kanyang pisngi. "Good evening dad."

"Good Evening hija, masyado naman pormal ang Mr. De Luna. You can call me Tito Josef or better Daddy na rin." I didn't expect na sasabihin to ng Daddy ni Reg.

Sinilip ko si Daddy at tinignan ang reaction nya sa sinabi ng daddy ni Reg, nakangiti lamang sya habang umiiling iling. Tinignan ko naman reaction ni Reginald, nakangisi lang sya, pero ng nakita nyang tinitignan ko sya bigla naman nya kong kinindatan. Parang uminit ang mga pisngi ko sa hiya. Namumula na ata ako.

"Anak, pupunta muna kami ng Tito mo sa office ko sa taas. Samahan nyo muna ang mommy mo at Tita sa garden." Tumango ako kay Daddy. "Reginald, hijo feel at home." Napangiwi ako sa dinugtong ni dad.

"Yes po Dad, thank you." Kumunot ang noo dahil sa sinabi ni Reginald habang ang dalawang matanda ay tumatawa. Saya nyo mga lodi ah.

Umakyat na si Dad at Tito Josef, habang kami andito nakatunganga pa din ng ilang minuto.

Babalakin ko na sana humakbang muli sa hagdanan papunta sa kwarto ko ng nagsalita sya. "Pwede sumama?" Para akong nabuhosan ng mainit na tubig sa sinabi  niya.

Nilingon ko sya at nakita kong nakangisi lamang ito, "Nagbago na isip ko. Tara na sa garden mamaya na lang ako mag aayos ng gamit."

Hindi na nya napigilan ang malakas na paghalakhak, "hindi ako sasama sa kwarto mo, tatanongin ko sana kung pwede ako sumama sa party kanila Arcane."

Kunot noo ko syang hinarap, "Bakit ka nag papaalam sakin?" Hindi ko na inantay sagot nya at naglakad na ko papunta sa garden.

Ramdam ko din ang pagsunod nya sakin. "Nagpapaalam ako sayo kasi andon si Dianna." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Ramdam ko din ang paghinto nya.

Bawal ba ko don sa party na yon? Dapat isama nya ko. Maybe to avoid more conflict dahil sa nanyari during President's party?

"I want to bring you there with me but I can't, fresh pa yung nanyari between me and Blake." Tama nga ang iniisip ko. Napabuntong hininga na lang ako, it's Arcane's party after all, why would I stop him? It's his friend's party.

Na sa tabi ko na sya ngayon kinuha nya ang kanang kamay ko at hinigit papuntang garden. Naabotan namin si mommy and Tita Gloria na kinikilig dahil sa kanilang nakita.

Pareho na kaming nakaupo ngayon at nilalagyan ni Mommy ng pasta ang plato ko, while Reginald is sitting beside me silently chewing his food.

"Can I go?" Mahinang sabi niya.

"Sino ba naman ako para pigilan ka?" Mahinang sagot ko sa kanya.

"Fiancè ko." Maikling sagot nya.

Sa pangalawang pagkakataon, binuhosan na naman ako ng mainit na tubig. Inilihis ko ang mukha ko para hindi mapansin ni Reginald ang pamumula nito.

Pero I noticed that our mothers were closely looking at us, mga tropa ni Aling Marites.

Nang napansin nilang tinitignan ko sila biglang lumihis ang kanilang mga mata. Si Mommy biglang dinampot ang kanyang cellphone, habang si Tita Gloria kunyaring naghahanap ng something sa kanyang bag.

"Natasha..." mahinahong tawag nya sakin, nilingon ko sya pero parang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.

Halos hindi na ko makahinga, isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isat isa, ang kanyang kaliwang kamay nakapatong sa sandalan ng upoan ko.

Hindi ko napigilang igala ang mga mata ko sa kanyang mukha. Mula sa kanyang makakapal na kilay, patungo sa mahahabang pilik mata, kayang mga matang puno ng misteryo, ilong na matulis hangang sa kanyang mapupulang mga labi. Napapikit na lamang ako ng makita ko how he's sexily biting his lowerlip. Mahabagin.

Umiwas ako ng tingin at muli akong napatingin sa mga nanay namin na mukhang nagka diarrhea sa pagpipigil ng kilig.

"Yes... yes you may go." Tanging sagot ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na may lumapat na malalambot na labi sa pisngi ko.

Ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko. "I should go now." Dahan dahan kong nilingon si Reginald at nakita ko na naman ang pilyong mga ngiti nito, tumango na lamang ako sa kanya at binalik ang tingin ko sa pagkain na na sa aking plato.

Nagpaalam na sya kay mommy and tita Gloria na uuna na sya para sa party ni Arcane. Habang ako ay dumiretso na sa kwarto ko para magpahinga pagkatpos ko kumain.

Napansin kong umilaw ang phone ko at nakitang may message si Akisha sakin.

Akisha sent a photo

Askisha: what a fvkng fvck Natasha Nicola!!!!

At nalaglag ang panga ko sa mga pictures na sinend nya sakin.

Sa unang picture hindi ko mamukhaan kong sino ang mga na sa larawan, pero sa pangalawa kitang kita ko Si Reginald, may kahalikang babae at sa pangatlong larawan kitang kita na si Dianna ang babae.

Parang nanikip ang dibdib ko, isang palabas lang talaga ang mga nanyari kanina.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon