Chapter 24

171 8 2
                                    

Isang linggo na mula nang makalabas si Blake sa hospital. Buti na lang mabilis makarecover ang isang iyon.

"Baby..." ani Reginald habang nakaakbay ang kanang kamay nya sa akin.

"Hmmm..." malambing kong sagot sa kanya.

Andito kami sa Cafehan inaantay ang pagdating ng mga pinsan ni Reginald. Inaabangan daw ng mga ito ang pasalubong mula sa kanya.

Simula nang dumating si Reginald galing Barcelona ay lagi na lamang kaming magkasama. Susundoin nya ako sa bahay at ihahatid.

"You're hungry? We don't need to wait for them." Anito.

Napalingon kami ni Reginald sa pintoan ng marinig namin ang chimes, hudyat na may pumasok.

There, we saw his cousins with Asher and Trim. Childhood friends ni Reginald and Trim ang mga Gomery.

Nakipag high five sila isa isa kay Reginald at ngumiti sa akin. Napuno ang pang walohang la mesa.

Tumabi sa akin si Sebastian na mukhang biyernes santo ang mukha.

"Lugi negosyo Seb?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Umismid ito. "Ang clingy ni Aubrey." Natatawang sabi ni Ethan.

"She's your girlfriend right? Gusto kong clingy girlfriend ko sa akin." Si Reginald habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Reginald. Narinig ko din ang mahihinang tawa mula sa kanyang mga pinsan at kaibigan.

"Tsss... Aubrey is not my girlfriend." Si Sebastian.

"OK. Fckbuddy then." Ani Arcane. I pouted because of what Seb and Arcane said.

"Stop it. You're giving my baby a bad impression." Si Reginald.

"Well you're baby seems like a mature baby. She will understand it, right baby?." Sabi ni Asher at kinindatan ako.

"Dude..." si Reg at nakita ko ang pagtaas ng dalawang kamay ni Asher habang nakangisi ito.

"Sher... Baka gusto mo ulit mapatalsik sa Andromeda." Natatawang sabi ni Sebastian.

Humalakhak si Asher. "Baka gusto mong di makalapit kay Andromeda Seb." Dahil sa sinabi ni Asher ay napuno ng tawanan ang buong lamesa.

Naagaw ang Attention ko ang pagtunog muli ng chimes. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Blake and Astara papasok ng cafè. Magkakilala din pala sila?

Inilapag na ang mga inorder naming inomin and some desserts. Umorder si Reg ng cinnamon danish for me.

"Andi." Tawag ni Asher sa kakambal ng makalapit na ito sa banda namin.

Napansin ko ang pag iwas ni Blake ng tingin sa amin at dirediretso na lamang sa counter para umorder.

"Hey." Ani Astara at ngumiti sa amin.

"Ganda..." pabulong na sabi ni Ethan.

"Tsss..." si Sebastian

"Damn girl..." ani Arcane.

"Where's Ashton? Kayo lang ni Blake? Is that a date?" Tanong ni Asher na may halong panunukso sa kapatid.

"I'm not sure kung na saan sya. Yes kami lang ni Blake and I don't know kung anong tawag sa dalawang taong magkasama sa coffee shop." Mahabang sagot ni Astara. Pero nakita kong nadaanan ng tingin nya ang katabi ko.

"Wow, my baby girl is growing too fast. Enjoy then." Halos hindi maipinta ang mukha ni Astara dahil sa sinabi ng kapatid.

Nagpaalam na ito sa amin para puntahan na si Blake na nag aantay sa kanya sa kanilang lamesa. umupo ito sa tabi ni Blake nakaharap pareho sa amin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon