Natapos na ang dinner, to be honest I had so much fun. Tawanan at puro kaharotan ni Akisha, pero hindi pa din mawawala ang business talks ng triplets with Reginald.
Balak na bumalik ng Triplets sa Andromeda para sa mga napabayaan nilang properties doon, pero pakiramdam ko mas higit pa roon ang dahilan ng pagbalik nila sa Pilipinas.
Na sa lobby kami ngayon ng hotel kung saan kami tumutuloy ni Akisha kaparehong hotel din kung saan naka check in si Reginald and Sebastian.
Nalaman din namin na ang hotel na to ay pag mamay ari ng mga Gomery.
"Sorry, hindi ko kayo nasundo kanina. Tinest drive namin yung private plane na binili ni Astara." Panimula ni Reg.
Ngumiti na lamang ako sa kanya.
Napabaling kami kay Akisha dahil sa kanyang pag tikhim. "Natasha, una na ako sa room ah. Ok lang kahit wag ka na bumalik don." Sabi niya sabay kindat. "Mag usap muna kayo" dugtong nya.
Napairap ako sa hangin habang Sinundan ko ng tingin ang papaalis na si Akisha.
"Can we talk? Kahit dyan lang sa may garden." Napatingin ako kay Reginald at biglang Bumilis ang tibok ng puso ko. Tumango lamang ako bilang sagot.
Nakaupo na kami sa garden bench na nakatapat sa isang malaking fountain kung saan may isang batang anghel na may hawak ng isang jar na nilalabasan ng tubig.
Tunog ng tubig mula sa fountain ang tangi kong naririnig dahil sa aming katahimikan.
"Tash..." malambing nyang tawag sa aking pangalan dahilan kung bakit bigla akong nakaramdam ng panlalamig.
"Hmmmnnn...?" Tanging naisagot ko sa kanya. Nilingon ko sya at kitang kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. I can't stand his stare kaya ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa fountain.
"I'm sorry about that scandal... she's drunk... again..." paulit ulit na dahilan. Ewan ko ba pero parang hindi ako nagsasawang pakinggan lahat ng dahilan nya.
Tumango lamang ako habang pinagmamasdan ang pagdaloy ng tubig mula sa jar na hawak ng batang anghel sa fountain.
"Mahal mo pa din ba sya?" Nag angat ako ng tingin para makita ang reaction nya. Tanging pag iling lamang ang kanyang isinagot.
Nakatitig ako ngayon sa kanyang mga matang nagsusumamong mapaniwalaan. Nagsisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.
My heart is beating so fast, tila nakikipagkarera. Hindi ko na namalayan na na sa kanyang pisngi na ang aking kamay. Kinuha niya ito at dinala sa kanyang mga labi.
Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang malalambot na labi sa aking palad.
Ibinaba nya ang aking kamay at dinala ito sa kanyang kaliwang dibdib. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"It's beating so fast right now." Aniya
Napakagat na lamang ako sa aking pang ibabang labi. I don't know but my breathing isn't normal right now. Parang kinakapos ako ng hininga sa nanyayari.
"Natasha... Walang nanyari that night. This will be the last time na gagawa ako ng ikakasira ko sayo." Sabi niya.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. The feeling is overwhelming. Yun lang naman ang gusto kong marinig from him, kung mahal pa nya si Dianna.
Dinala nya ako sa kanyang bisig. I'm crying on his shoulder now. Sa loob ng tatlong buwan na nakilala ko si Reginald pakiramdam ko higit pa sa tatlong buwan ang aming pinagsamahan.
Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin dahilan kung bakit lalong bumilis ang pagtulo ng aking mga luha. This feeling is very familiar. Itong yakap na ito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceSomeone said that the best kind of relationship begin unexpectedly. When you get the astonished feeling and everything happens so suddenly, that's why you dont look for love. It comes to you just at the right time, the time you never thought it woul...