Chapter 30

90 2 0
                                    

Sabay kaming lumabas ni Asher para pumunta sa parking lot. I told him na maglalakad lakad lang ako pero naisipan kong mamasyal na lang. Pinatunog ko ang aking sasakyan. Naramdaman ko ang paninitig ni Asher sa akin.

"Are we good?" Tanong nito bago buksan ang itim na jagguar nakaparada sa tabi nang puting sasakyan ko. Hawak ko na ang bukasan ng sasakyan pero hindi ko muna ito binuksan.

Asher opened his car pero inantay muna nito ang sagot ko kaya hindi pa sya pumasok. So halata ang pagkawala ko sa mood? Hindi ko alam ang isasagot ko. I want to say no pero anong explanation ko? Na kasi akala ko the cinnamon rolls are for me pero para sa Amanda na yun pala?

He's just staring at me. Those brown eyes, this is the first time na makita kong puno ito ng pag-aalala. I saw how Asher worried about his siblings but I never see it this way. Parang matamlay o may sakit? But even his sick puno nang buhay ang mga mata nya.

Napakurap-kurap ako nang isarado niyang muli ang pinto nang kanyang sasakyan at dumiretso sa shotgun seat ng aking sasakyan.

Naiwan akong nakatayo sa may pinto habang si Asher ay na sa loob na.

"Get in." Asher's commanding voice made me shiver. Parang nakaramdam ako nang something sa aking tiyan.

I have no choice but to get in.

Pagkapasok ko ay naka seatbelt na sya, at inilagay ang dala nyang paper bag sa backseat ng sasakyan.

"Why are you here?" I asked him. Pinaandar ko na ang makina pero wala pa akong balak umalis. I'll wait for his answer first.

"Sasama ako." aniya. Wala naman talaga akong plano kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang irritated ako kay Asher.

Pinaandar ko na ang sasakyan bahala na kung san kami dalhin nito. "Paano yang cinnamon ni Amanda mo?" I can't hide the bitterness in my voice.

Oo, I admit it bitter ako akala ko para sa akin yan hindi naman pala.

I can feel that he is staring at me pero tinuon ko pa din ang mga mata ko sa kalsada. "Can you ask it again?" kumunot ang noo ko. Uulitin ko ba? Ang linaw linaw nang sinabi ko!

Sinulyapan ko sya, tinaasan nya ko ng isang kilay. I rolled my eyes "How about Amanda? Magkikita kayo right?"

Tumikhim sya dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya. He is biting his lower lip tila nagpipigil ngumiti.

Mas lalong nagusot ang mukha ko. What's funny?

Tumikhim ulit sya bago magsalita. "Mamaya pa naman yon" Dumiin ang hawak ko sa manubela. So magkikita nga sila?

"Ihatid na kita ngayon, san ba kayo magkikita?"

Hindi ko siya nilingon. Inantay ko lang sagot nya. "Uhm... kumanan ka sa may street na yan?" turo nya sa isang street na napupuno nang mga nakahilerang bulaklak.

"Wait lang. Park ka muna sa may side walk I'll just buy something" anito nang makarating na kami sa street na tinutukoy nya.

Parang umakyat sa ulo ang lahat ng dugo na dumadaloy sa buong katawan ko nang makita ko syang bumibili ng bulaklak sa isang flower stand. Ginawa talaga akong driver ng isang to!

Pagkatapos nya magbayad ay pumasok ito sa coffee shop kung san nakapwesto yung flower stall.

Nang makalabas si Asher nang coffee shop ay may bitbit na itong mga paper bags, paniguradong mga pagkain iyon. Yung bulaklak na binili nya ay nakabalot pa ng newspaper.

Dumiretso ito sa backseat at ipinasok ang mga pinamili. Ang mabangong amoy ng kape ang agad na sumalubong sa akin nang buksan nya ang pintoan.

Mas nairita ako nang hindi man lang ako inalok ng kape. Ihahatid ko muna to sa date nya tapos magkakape ako, ayain ko na lang si Astara baka hindi sya busy or maybe Blake he's here daw sa Spain.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon