Chapter 25

150 10 2
                                    

Onti onti syang nag angat ng ulo. Dahan dahan akong humarap sa kanya hangang sa magsalubong ang aming mga mata.

"I'm sorry..." pag uulit nya. Idinikit nya ang kanyang noo sa aking noo.

Umangat ang aking kamay papunta sa kanyang makinis na mukha. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang moment na ito. "Ang mahalaga ay bumalik ka."

Naramdaman ko na lamang ang malalambot nyang mga labi sa aking labi. Napaawang ang aking bibig, hindi ko inaasahan iyon.

Dahil doon ay mas nabigyan ng access si Reginald para mahalikan ako. I can feel his tongue trying to reach for mine. Sinundan ko ang bawat pag galaw ng kanyang labi at dila.

Lumalalim ang pag siil nya ng halik. Ang isa nyang kamay ay nakasuporta na sa aking batok habang ang isa namang kamay nya ay na sa aking likoran na.

Onti onti na akong nakakaramdam ng init sa aking katawan. Ang mga braso ko ay nakapulupot na sa kanyang leeg. Nakakaramdam na ko ng panghihina dahil sa aming halikan.

Ramdam ko ang dahan dahang pagbaba ng kamay ni Reginald mula sa aking batok, papunta sa aking leeg hangang sa tumigil ito sa aking balikat.

I flinched when I heard a barking dog and someone shouting.

"Seban! Oh sht! Sorry sorry." Isinandal ni Reginald ang mukha ko sa kanyang dibdib pero mas gusto kong umayos ng pagkakaupo kaya marahan akong umalis sa kanyang pagkakapulupot sa akin.

"Istorbo ka. Anong ginagawa mo dito?" Nakangising Tanong ni Reg kay Asher.

Lumapit si Asher sa amin at nakita kong may isang puting tuta na nakatayo sa gilid namin ni Reg. "Ito kasing tuta ni Astara ang kulit, pagkabukas ni Trim ng sasakyan ko biglang tumakbo. Ang hirap hulihin ang liit pa pero maliksi."

"So, kasama nyo yan kanina sa Cafè?" Umiling si Asher sa tanong ni Reg.

"Iniabot ni Andi sakin kanina sa parking lot noong paalis na kami sa Cafehan. Akala ko mag momovie kayo?" Kinuha ni Asher and tuta at kinarga ito.

"Nagbago isip ko. Pauwi ka na Sher?" Tumayo si Reg at inayos ang mga gamit namin.

"Oo, hinatid ko lang si Trim sa kanila. Tamad sya magdrive. Hinahanap na ni Astara tong si Seban. Una na kami. Sorry ulit sa istorbo." Pagpapaalam ni Asher sa amin.

Iniayos ni Reginald ang mga gamit namin sa kanyang sasakyan. Uminit na naman ang pisngi ko ng maalala ang nanyari sa Peak kanina. I almost give in. Mulat na ako sa kaisipang pwedeng manyari sa dalawang taong may nararamdaman para sa isa't isa. Pero mas namulat ako dahil sa mga kahalayan ni Akisha.

Napalingon ako kay Reginald na seryoso lamang nakatingin sa kalsada habang nag mamaneho. "Reg..." tawag ko sa kanya.

"Hmmm...?" Napalingon sya sakin sandali at ibinalik ang mga mata sa kalsada.

"You left because of the incident?" Kyuryosong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pagtango niya. "My family was involved in that incident. The Gomery clan was their target and the enemies knew that my family was helping them." Pag kwekwento niya.

"Asher, Ashton and Astara survived the incident. That day... noong hindi kita nasipot nangyari ang trahedya sa kanilang pamilya. The Gomery clan was the most powerful clan not only here in Andromeda but also in the entire Philippines." Marahan akong tumango dahil sa kwento ni Reginald.

"They're grandfather Admiral Lucas Gomery was the right hand of the former President Macatangay. Madami silang napabagsak na sindikato. After the assasination of the President onti onting sinimulan ang pag ganti sa mga Gomery." Tumaas ang mga balahibo ko. Remembering Asher's bubbly personality na parang wala silang napagdaanang ganong trahedya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon