Chapter 4

298 19 5
                                    

"You're prettiest when you smile." alam ko na kung kaninong boses yun, dyosko naman ano bang trip nitong lalaking to. Nilingon ko sya ng tumabi sakin. Napatingin si Blake at Akisha. Pinigilan ni Akisha si Blake para di makalapit samin.

Napangisi si Reginald habang nakatinign kay Blake na parang gusto na syang bigwasan, "Obviously, he likes you a lot."

"The three of us grew up together." malamig kong sagot

Naramdaman ko ang titig niya sa akin "Sobrang takot mo ba sakin kaya umalis ka sa inyo?"

Napabuntong hininga ako "To be honest, it's not about you. It's about my parents na hindi ako kayang bigyan ng chance to decide on my own."

"Do you think I also have a choice?" Sagot nya habang nakatingin sa dagat, ang perfect ng jaw, ang tangos ng ilong, ang haba ng eyelashes alagang Vicky Belo ata to.

Nahuli nya kong nakatitig sa kanya. Syempre di ko aalisin tingin ko sa kanya. I dont want him to feel that I'm affected to his kagwapohan. "Do you like someone?" seryosong tanong nya, walang emotion na pinapakita ang kanyang mukha, pero nakatingin siya kay Blake.

Halatang indirect question yon pertaining to blake, "I'm not into relationship with anyone." I answered

"Do you like someone?" inulit nya ang tanong habang nakatitig sakin

Parang nakaka hypnotize ang kanyang tingin. Bigla na lang ako sumagot ng "No."

Napangiti sya at hinaplos ang aking pisngi "Then, Let's Try,"

Bumilog lalo ang aking mga mata, ang init ng kanyang palad. Anong trip nito?

Nagulat na lang ako ng hinatak ako ni Blake papalayo sa kanya. "Pwede ba wag mo syang mahawak hawakan." Sigaw ni Blake

Nakatingin sya sakin at Tumitig ako pabalik "OK" yun lang ang salitang nasabi ko sa kanya.

Tumayo na si Reginald ngitian nya ako at tinapik ang braso ni Blake, papalakad pabalik sa kanyang mga kaibigan.

Hindi ko alam kung nag iisip ba ko o nahypnotize ako, hinubad ko ang dress na suot ko para magswimming. Tanaw ko si Reginald at mga kaibigan niya mula sa aming pwesto, nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan kasama yung mga babae nila habang nakatingin si Reginald sa gawi namin wala na syang kaakbayang babae.

Naputol ang tingin ko ng lumapit si Akisha "Tash, kilala ko na yung mga lalaking ksama niya, magpipinsan sila.Yung lumapit satin syempre kilala mo na, sya yung papakasalanan mo. Reginald Yosef Juarez De Luna COO sya ng De Luna Aviation Corporation, pero may usap usapan na papalitan nya yung kapatid nya sa pagiging CEO, 25 Bachelor, Notorious Playboy." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Anong nakakatuwa sa Notorious Playboy?" Nakakunot kong tanong sa kanya

"Syempre Tash, pag playboy madami nang experiences. Ikaw wala pa, so atleast pag ano alam na alam na nya pano ka dadalhin sa langit." kinikilig sya habang nakangisi. Inirapan ko na lang sya.

Tinuloy ni Akisha ang pag sstalk sa kanilang apat, "Anton Sebastian De Luna Levia, 25 din he owns this resort he is a Pilot. Bachelor, not into girls. Bakla ata." Napatingin kami sa lalaking nakasandal sa Sun lounger na busy umiinom ng juice, bumalik kami sa pag tingin sa cellphone ni Akisha ng napansin naming nakatingin si Reginald samin.

Napahinga ako ng malalim habang kinawayan pa ni Akisha si Reginald, tinapik ko ang kanyang kamay. "Aray, selosa naman nito." Sabi niya sabay irap ko.

"Ok next, yung lalaking may kalong kalong na babae." sabi niya. Gusto ko sana lingonin kaso baka mahuli na naman kaming nakatingin. "Ethan Gerald De Luna Obregon, 24 pinaka playboy sa kanila. Kilalang kilala sa one night stand. Sarap now, iwan later. Tagapag mana ng Obregon Pharmaceutical. Sya pinakabata sa kanilang apat. Nag aaral sa UST Med Schoool." nakikinig akong mabuti sa mga sinasabi niya ng may isang lalaki na namang sumulpot sa harap namin. Nakangisi sya sa amin.

"Arcane Dave De Luna Nuncio, 26 I love playing basketball. I do one night stands, I love partying. Lost my virginity at the age of 18. I'm the heir to Nuncio Corporation. Im single right now." nang laki ang aming mga mata. Kanina pa kaya nya kami pinapakinggan? Iniabot nya ang kanyang kamay para makipag shake hands.

"Arcane." tawag ni Blake sa kanya. "Bro, long time no see."

Inakbayan ni Arcane si Blake "Hindi mo naman sinabi sakin Blake na may mga kaibigan ka na nagtratrabaho sa NBI." Ngisi nya habang nakatingin samin ni Akisha

Napakunot ang noo ni Blake, umiling lang si Akisha habang ako nakatingin sa malayo.

"Reg, di mo naman sinabi andito pala Fiance mo." Panunukso nya kay Reginald, napalingon ako sa gwaing kanan ko at voila na sa gilid ko na naman pala sya.

"Magkakilala pala kayo?" tanong ni Blake

"Oo, di mo ko napansin kanina at seryoso ka sa pag protekta kay Natasha." tawa nya pero tinignan sya ng masama ni Reginald kaya nabura ang tawa sa kanyang mukha.

Hindi ko alam, everytime na lumalapit sya sakin parang numinipis ang hangin sa paligid. "Punta kayo mamaya, may party sa resto. Celebration ng opening nitong resort ni Seb." seryosong sabi ni Reginald.

Ngumiti si Akisha at sinabi niyang pupunta kami, pero tumutol si Blake. Ngayon sakin nakatingin ang lahat para sa final decision. "Tash? What do you think?"

"I want to unwind." Sabi ko, napa yes si Akisha at halatang dismayado si Blake

"Well, will see you later then." Tapik ni Arcane kay Blake sabay akbay kay Reginald na nakapang himulsa at umalis na naglakad pabalik kong na san ang kanilang mga kaibigan.

Naiiritang tumabi si Blake sakin, hinubad ang suot na puting polo at ikinover saakin para matakpan ang aking katawan. "Sigurado ka ba?" tanong nya at tumango lamang ako.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon