Chapter 16

212 16 0
                                    

*Sebastian's POV

Nagising ako nang dahil sa ingay ng messenger notification ko. Panigurado may pinagkakagulohan na naman ang mga kupal na walang magawa sa buhay.

Bumagon na ko mula sa aking pagkakahiga at inabot ang cellphone ko na naka patong sa bed side table.

Naisipan ko munang mag selfie. I did the "brushing my hair up" pose. I brushed my hair up, sinadya kong bitinin ang kamay ko sa ere flexing my biceps showing my half naked body, sayang naman buhay ng mga pinsan ko kung di nila masilayan ang six pack abs ko.

Napansin kong nag bago ang groupchat name.

Oplan Linis Kalat ni Reginald 💦

Sebaliw sent a Photo

Russco: Tang ina aga aga umay @Sebaliw 🍆

Eat-Hon: Sakit ng mga mata ko 😫

Arc Hottie: Sana all maganda gising @YosefNicola<3 👉🏻👈🏻

YosefNicola<3: 🖕🏼 @Eat-Hon

Sebaliw: Good Morning mga Mahal kong pinsan. Anong meron? ♥️

Russco: back read lods

Arc Hottie changed YosefNicola<3 nickname to Reginald Scandal King.

Reginald Scandal King: @Arc Hottie 🖕🏼

Russco: @Reginald Scandal King sana ok ka pa  kapatid.

nag back read na lang ako nang walang kwentang convo. So the convo started last night pa pala, medyo na lasing ako kagabi dahil sa event sa resort ko.

Arc Hottie sent an attachment.

Russco: I'm so proud of you Reg.

Reginald Scandal King: 😭😭😭

Arc Hottie: Sana OK ka pa

Reginald Scandal King: I can't contact her 😫😫😫 Alam kong nakita na nya. I saw her sa Cafe Hon kanina. Tapos I'm with Dianna.

Arc Hottie: Double kill

Russco: Alam mo na ba balita Kapatid?

Eat-Hon: WTF REGINALD

Reginald Scandal King: Anong balita russ?

Russco: Where are you?

Reginald Scandal King: Condo ni Dianna

Arc Hottie: Ano yan gagawa na naman kayo new scandal?

Reginald Scandal King: 🖕🏼

Russco: Na sa office kanina yung ex future parents in law mo. They called off the engagement.

Arc Hottie: Triple Kill!

Eat-Hon: GG Well Played

Arc Hottie: OK lang yan Reg, mukhang si Dianna naman talaga at sya pa din kasama mo hangang ngayon. Sana di mo pinaasa si Natasha.

Russco: eto pa...

Reginald Scandal King: What Russ?

Russco: I saw Natasha and Akisha earlier sa airport. Tinanong ko yung nag process sa reservation nila kung san sila pupunta, They're going to Spain. One way ticket lang yung binili.

Eat-Hon: Oh No! Based sa mga lakad mo these past few days or should I say simula nakilala mo si Natasha parang once or twice lang kayo nagkita ni Dianna.

Russco: wag ka daw magpapakita kay Dad hangat di mo nalilinis yang kalat mo.

Arc Hottie changed the group name to Oplan Linis Kalat ni Reginald 💦

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon