Chapter 15

178 17 2
                                    

"Sa tingin mo sya?" Tanong sakin ni Akisha na kaharap ko ngayon na may kinakalikot sa kanyang cellphone.

Andito kami sa favorite cafe namin, Cafe Hon. "May part sakin na umaasang sya yon. Sya yong Prinsipe sa Peak." tapat na sagot ko sa kanya.

Nakunot na lang ang noo nang maramdaman kong wala sakin ang buong atensyon ni Akisha. Sa inis ko ay hinablot ko ang kanyang cellphone.

Halos malaglag ang panga nya sa ginawa kong pag agaw ng kanyang cellphone. Nakakatawa ang mukha nya.

Nang tignan ko ang screen ng phone nya, nalaglag din ang panga ko sa aking nakita. What the fck. Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo.

DIANNA NATHALIA VILLA AND REGINALD YOSEF DE LUNA's SCANDAL. kitang kita si Reginald at Dianna na na sa kama. Nakapatong si Reg kay Dianna.

Walang pang itaas na damit si Reginald. Side profile palang alam na alam ko na na sya yun.

Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, Parang kinukurot ang puso ko.

Dahil sa panghihina ng sistema ko ay mabilis ding nabawi ni Akisha ang kanyang cellphone.

"Tash... ano... Eh" hindi din alam ni Akisha ang sasabihin nya tungkol dito. Nginitian ko na lamang siya.

"Kish, that's ok. Normal... lang naman ata yon... di ba?" Kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata.

Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? parang Kahapon lang ang saya saya ko. My Nicola my face!

WTF! Bakit ang sakit? "Kish, CR lang ako" paalam ko sa kanya.

Pagkapasok ko sa CR biglang nag ring ang phone ko. De Luna is calling. Wala sa sarili kong sinagot ang kanyang tawag.

"Hey..." Malamig ang kanyang boses. Panigurado alam nya na nakumalat scandal nila.

"Reg... who's that?" WTF.

"Dianna, please..." Mas lalong kumirot ang puso ko. walang alinlangang pinatay ko ang cellphone ko.

Hindi ko na napigil ang sarili kong umiyak. May parte na talaga na inokupa si Reginald sa buhay ko. Pakshet talaga.

Natigil na lamang ako sa paghikbi nang may narinig akong kumakatok sa pinto.

Inayos ko ang aking sarili, tinignan ang mukha sa salamin, damn pula ang mga mata ko at pulang pula din ang aking ilong.

Pagkabukas ko ng pinto sinalubong ako agad ni Akisha, dali dali nya akong hinila papalabas ng CR dirediretso patungo sa pinto ng restaurant pero bago pa man kami makalabas ng restaurant nanlaki ang mga mata ko nang nagtagpo ang aming mga mata.

Si Reginald pinag hihila ng upoan si Dianna. Agad kong iniwas ang tingin ko at nagpatianod na lang kay Akisha.

"Don't look back." Si Akisha

Sinunod ko sya hanggang makarating kami sa sasakyan nya.

"Tang inang De Luna yan, akala ko matino. Hayop." Pang gagalaiting sabi ni Akisha habang nagmamaneho.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon