Chapter 3

335 20 2
                                    

Nakatulog kami ni Akisha at tanghali na nagising. Nag ring ang aking phone, tumatawag si Blake.

"Ano na mga Prinsesa? Tulog na lang? Wala ng kain kain." Sabi niya sa kabilang linya

Ginising ko agad si Akisha para mag ayos kami, isinuot ko ang aking puting two piece at pinatongan ko ng maikling dress na floral ang print. Habang si Akisha naman ay naka red one piece at shorts. Lumabas na kami at hinihintay kami ni Blake sa labas ng aming hotel room, nakasuot sya ng white polo bukas ang tatlong butones and floral board shorts.

"Sarado mo bibig mo, baka langawin." Sabi ni Akisha sa kanya, napangiti ako. Sinimangotan lang sya ni Blake

Pumasok kami sa isang open restaurant na located sa front beach, sobrang ganda ng tanawin. Mapuputing buhangin kulay asul na dagat. Onti palang ang tao dahil kakabukas lang nito kahapon.

Habang papasok kami sa resto, may apat na lalaking nakaupo sa bar nagkakape, may tig iisa silang babae girlfriends siguro, I dont care tho. Napalingon sila sa amin. I'm not into boys kaya di ko alam kung magwagwapohan ako sa kanila or what. Pero pwede na, makikinis ang mga balat. Ang perfect ng Jaws, ok naman mga body build mukhang nag Gygym. Mukha ding anak mayaman.

Tumayo ang isang lalaking naka white sando and sweat pants, papalapit sa aming tatlo. Nakangiti sya, ang angelic ng mukha hindi ko matitigan feeling ko kaya nitong higopin kaluluwa ko. Tinignan ko si Blake na umabante paharap at inilagay ako sa kanyang likod habang si Akisha naman nakatingin sa akin na may pag aalala.

Nang makalapit ang lalaki "We Finally meet, Natasha Nicola Aleman." Ngiti sakin ng lalaki, nagulat ako at napalunok na lang sa sinabi niya. Nagkunot ang aking noo. Umalis na sya at sumunod sa kanya yung isang babae. "Reginald babe wait." Ani nong babaeng naka maxi dress na halos lumuluwa na ang hinaharap. Sumunod naman yung ibang lalaki kasama yung mga babae nila at ngumiti sakin.

Hindi mag sink in sakin yung nanyari, kinuha ni Blake and Kamay ko hinatak ako\ at umupo na kami para kumain muna. Si Blake na ang umorder per nag titinginan pa din kami ni Akisha

"What was that?" Tanong ko sa dalawa.

"Tash, siya si Reginald Yosef De Luna." Nag pintig ang dibdib ko nong narinig ko ang De Luna. "Baka itinawag na nya kanila Tita Amelia." pag aalalang sabi ni Akisha

Napabuntong hininga na lang ako, nilagay ang aking kamay sa aking noo.

"May problema ba? May maitutulong ba ko sa inyo.?" nilingon namin kung san nang gagaling ang boses. Laking gulat namin na si Reginald de Luna ay umupo na sa tabi ko

Kinuha ni Blake ang kamay ko para tumayo at magpalit kami ng upoan.

Napangisi si Reginald sa ginawa ni Blake. Iniabot ni Reginald and kanyang Kamay kay Blake at nag pakilala "Reginald De Luna, pare." kinuha naman nito ni Blake at nakipagkamay "Blake Orozco." sagot niya

Tinititigan ako ni Reginald, hindi ko kailangan maintimidate sa mga mata nyang kumikinang. Tumitig din ako pabalik. "Boyfriend mo?" tanong nya sakin habang nakatitig. Kinunotan ko lang sya ng noo. "Blake Orozco is the Fiance of Diana Villa" Nagulat kaming tatlo kung paano nya ito nalaman. Hindi pa inalalabas sa media ang tungkol dito.

"Ang gandang headline siguro nito: Engaged Son of Senator Orozco is inlove with the Heiress of Aleman Real Estate Corporation at nagtanan." Nagsalubong ang kilay ko nong sinabi niya iyon.

Napatayo si Blake na parang susuntokin na si Reginald. "Blake" umiling ako at umupo sya.

Napangisi si Reginald "I wonder if there will also be a girl na kaya din akong paamohin." mapang asar na sabi niya sakin habang nakangiti.

"Mr. De Luna, can you let us finish our food first. I'll deal with you later." irap ko sa kanya

Tumango sya "Excuse me then." he smirked at bumalik na sya don sa mga kaibigan nyang naghaharotan kasama yung mga babae nila malapit samin.

Nakita kong nang gigigil si Blake at naka Kuyom ang mga kamao. "Kumain muna tayo, hayaan nyo na kung ano manyari. I'll take responsibility for this." Ngiti ko sa kanila

Nang matapos pumunta kami sa tabing dagat, nilatag ko ang beach mat na dala ko. Nag lagay ng lotion habang kinukuhanan ni Blake si AKisha ng pictures. Parang may photoshoot lang.

Napangiti na lang ako sa dalawa at halatang pinag tritripan ni Blake si AKisha.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon