Chapter 18

189 16 1
                                    

Nakaupo kami ngayon ni Akisha sa harap ng pinakasikat na simbahan dito sa Barcelona.

The Basílica de la Sagrada Família stands in the northern part of the city, dominating its surroundings with its 18 spindly towers soaring high above all the other buildings.

"Bakit kaya hindi natapos yan?" Tanong sakin ni Akisha, I'm sure she's referring to this unfinished Church.

"Ewan, igoogle mo na lang." sagot ko sa kanya habang itinututok ko ang aking cellphone sa simbahan para makuhanan ito ng magandang larawan.

Nanlaki ang mata ko ng mahagip sa aking cellphone camera si Reginald and Astara na nakatayo sa tapat ng simbahan. Wow, what a scene. Nakatagilid sila sa amin at nakaharap sa isa't isa.

Nakaramdam na naman ako ng panibagong kurot sa aking puso. Napabuntong hininga na lang ako at sinubokang pakalmahin ang aking sistema na mukhang nilalamon na ng selos.

I won't deny it, this is making me freaking jealous.

Nilingon ko si Akisha at napansin ko na may tinititigan na naman sya habang dahan dahang dinidilaan ang ice cream na hawak nya.

"What the heck is wrong with you Akisha?" Pagsita ko sa kanya. May kakaiba sa pagdila nya sa ice cream nya.

May inginuso sya, nang tignan ko ito nakatayo na kasama ni Reginald and Astara si Ashton and Asher.

kasama na naman ni Reginald ang magkakapatid na Gomery.

"Asan kaya si Sebastian?" akala ko ba sinasamahan nya si Reginald, mukhang type din naman ni Seb si Astara.

"Wag mo kong hinahanap at hindi ako pwedeng magkapasa sa mukha ngayon." Si Sebastian na kung saan saan na lang nagsususulpot.

"Hoy Levia. Bakit ba magkasama yang si Reginald at yang mga Gomery?" Tanong ni Akisha na ngayo'y pinupunasan na ang kanyang kamay ng tissue. Natapos na niya dila dilaan ang ice cream at naubos na nya ito.

Umupo si Sebastian sa pagitan namin ni Akisha.

"The triplets are planning to go back in the Philippines, sa Andromeda. Nagplaplano sila ng business." Sagot ni Sebastian

"Akala siguro nyan ni Reg nakalimutan na namin scandal nya." Nasamid ako sa sinabi ni Akisha.

Nakita ko kung papaano ako titigan ni Sebastian na parang may gusto syang sabihin but he stopped himself from saying it.

Umiling si Seb habang natatawa, "bahala kayo mag usap." Aniya

At sa isang iglap, na sa harapan na namin ang triplets at si Reginald.

"Hi!" Maligayang bati samin ni Astara, habang si Reginald naman ay titig na titig sa akin.

"Uy! Hi Sister in law!" Wala sa sariling sigaw ni Akisha, nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Astara at napalingon ito sa mga kapatid niyang natigil sa pag uusap.

"I mean...brother in law. Ano, si Reginald Brother in law... ah kasi parang magkapatid na kami nitong ni Natasha eh!" Pagpapalusot niya.

Ako naman ang napakunot ang noo dahil sa sinabi ni Akisha.

I saw how Reginald chuckled. Tigilan mo ko De Luna at may atraso ka pa sa akin.

"Paano mo magiging brother in law yan eh the Alemans called off the engagement." Sabi ni Sebastian na nagpabura sa nakangising mukha ni Reginald.

Nagpipigil ng tawa ang triplets. "How tragic" si Astara na ngayo'y mukhang inaasar na si Reg.

"It's Spain without the S." Sabi naman ni Ashton na parang ngayon ko lang nakitang ngumiti.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon