Chapter 32

88 5 0
                                    

Kasalukoyan kaming bumabyahe ni Asher pabalik ng ciudad. He noticed that I'm not eating, he asked me to eat more so I did it. After that tinanong nya ako kung gusto ko na ba raw umuwi and I said yes.

Katahimikan lamang ang namayani sa loob ng sasakyan. This is the longest time na hindi ko narinig magsalita si Asher habang magkasama kami.

Inilabas ko ang aking cellphone para i-message si Akisha. Balak ko ikwento sa kanya ang mga nalaman ko pero laking pagtataka ko nang may nakita akong nag message na unknown number.

unknown number: Hi Tash...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Na-seen ko ang imessage! Inilock kong muli ang aking cellphone nang makita kong gumagalaw ang tatlong tuldok, ibig sabihin nag tatype sya.

Nagpop out sa screen ng aking cellphone ang message na tinype nya.

Unknown number: This is Reg.

Nilingon ko si Asher na nakatuon lamang ang mga mata sa kalsada.

Halos mapalundag ako sa aking kinauupoan nang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag na sya!

I decline the call. Pero wala pang ilang sandali ay tumawag muli ito dahilan kung bakit ko dinecline agad. Dali dali kong inoff ang power ng aking cellphone at ibinalik ito sa loob ng aking bag.

Nilingon ko si Asher, tuwid pa din ang mga mata nya sa daanan but I saw how his jaw clenched.

Napalunok ako, parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

I need to divert everything. Namawis bigla ang mga kamay ko kahit malamig ang aircon ng sasakyan.

"Uhm... Saan lakad mo after this?" I bit my lowerlip, hoping na he will answer me like usual.

"Gym." halos dumoble lang lamig na naramdaman ko dahil sa kanyang sagot.

What's the matter Asher? Parang kanina lang ako yung ganyan ah? Ambilis naman ata akong nagamitan ng uno reverse card.

"Sher..." tawag ko sa kanya. Napansin ko ang paggalaw ng panga nya bago ako sulyapan.

Ano ba to? Ano bang nagyayari? Bakit? Anong meron sa araw na ito? Parang kanina lang...

Hindi siya nagsalita pagkatapos nya akong sulyapan.

"Mag-isa mo lang mag gygym?" come on Asher I'm trying to make a conversation here!

"With Ashton, not sure if Andi will come too knowing that De Lunas are here." tumango lamang ako at ibinalik ang mga mata sa kalsada.

I can't believe this, malapit na pala kami sa apartment ko at yun lang ang napag-usapan namin. Kung sa normal situation to baka pati buong angkan ng mga Montreal at mga Adrellano na ang napag-chismisan namin.

Ipinarada na nya ang aking sasakyan sa tabi ng kanyang itim na jagguar. Una syang bumaba at dumiretso sa back seat para kunin ang mga dala dala nyang paper bags kanina.

I unbuckled my seatbelt at dali dali din lumabas. Pinatunog nya ang kanyang sasakyan at iniligay sa compartment ang mga bitbit.

Na sa may gilid lamang ako ng aking sasakyan. Umayos ako nang pagkakatayo nang makita kong papunta sya dito sa gawi ko.

Tumigil siya sa aking harapan, he handed me my car key. Inabot ko naman iyon.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon