Chapter 13

226 18 4
                                    

Nakaupo na kami ni Reginald sa white and red checkered blanket na inilatag nya sa ilalim ng puno ng Mangga. Inilabas na din niya yung mga ibang laman ng basket, juice, crackers, chips and different kind fruits.

"Why did you bring me here?" I asked him habang nagbabalat sya ng apple using a peeler. Mukhang pinaghandaan nya talaga ang pagpunta namin dito.

Nabalatan nya na ang mansanas and now he's slicing it. "This place is peaceful and quiet. Walang istorbo, I want to explain myself." sabi niya.

Napatango na lang ako. "To be honest, I'm also curious about what happened." He handed me the sliced apples.

"I'm really sorry about that. Si Dianna sobrang lasing nya that night. Sinubukan kong alalayan sya pero hindi pala magandang idea yun. Sa sobrang kalasingan nya kung ano ano na lang pinaggagagawa nya." Kwento nya.

Oh, so si Dianna ang unang lumandi? She's still inlove with Reginald. How about Blake?

"Sinubokan mong alalayan si Dianna but you two ended up kissing?" tanong ko sa kanya at Umiling naman sya.

Hindi ko tuloy mapigil ang pagkunot ng noo ko "She kissed me but I didn't kiss back." Pagtatama nya.

Tumingin ako sa paligid, this place is so serene. Hindi mainit ang panahon, bughaw na bughaw ang langit. wala akong pakialam kong nakadress ako may cycling shorts naman. Humiga ako sa blanket, inayos ko ang aking dress at ginawa kong unan ang aking bag buti na lang di ito masyadong matigas.

Nakadungaw na si Reginald sa akin. "Next time I'll bring some pillows and blankets." aniya

Napangiti na lang ako "That would be a great idea."

"So may next time pa?" tanong nya habang may ngiti sa mga labi.

Napangiti na lang ako sa tanong nya, habang tinititigan ang mukha nya parang kinurot ang puso ko. "It depends." sagot ko at nag iwas ako ng tingin.

"Hmmmmm?" Lilingonin ko na sana sya ng laking gulat ko na nakahiga sya kaliwang parte katabi ko. Nakatagilid ang buong katawan nya, nakaunan ang ulo sa kanang braso at nakaharap ito sakin. Kasabay ng pag hangin nalalanghap ko ang manly scent nya.

Para akong naestatwa, laging ganito epekto ng lalaking to sa akin. Iniwas ko na lang muli ang tingin ko. "Uhm... Ano... It depends kung magkakabalikan pa kayo ni Dianna."

"...or magkamabutihan pa kayo lalo ni Blake?" dugtong nya.

As of now, wala na sa isip ko yung magkamabutihan kami ni Blake. I don't know how I got tangled with their problem. Pero sure ako, kaibigan na lang tingin ko sa kanya.

"Naging close lang naman kami ni Blake kasi sila ni Akisha yung laging andyan for me. Speaking of Blake, according to Akisha Blake sent her the photo..." he cut me off.

"... so that Akisha will send it to you. Blake was there." Nanlaki ang mga mata ko at napabangon ako sa pagkakahiga ko.

"What the heck? bakit naman hahayaan ni Blake magkaganon si Dianna? Ok na sila di ba?" Halo halong emotion na yung nararamdaman ko ngayon. I'm torn between Blake and Dianna or Reginald and Dianna. Why is this so complicated?

Mas laking gulat ko ng umiling si Reginald. So they're not okay? Teka lang, hindi na kaya ng braincells ko. This is freakin confusing.

Naramdaman ko na lang ang mahinang pitik sa noo ko. "What was that?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas yung noo kong pinitik nya.

"Nakakatawa kasi reaction mo, parang nadiscover mo kung sino ang pumatay kay Ninoy Aquino." Nagawa pa nya akong tawanan.

"Excuse me Mr. De Luna, sa tingin mo hindi shocking revelation tong pinagsasasabi mo sakin?" Napabuntong hininga na lang ako. Napangisi na lang sya sa sinabi ko.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon