Chapter 2

381 21 7
                                    

"Tash, Galit na Galit mga magulang mo." Seryosong sabi ni Blake habang ngumunguya ng Dimsum

"Kish ano nang yari?" tanong ko

"Tash, nakatulog talaga ako nong umalis ka. Tapos biglang may pumasok sa kwarto mo at napasigaw ng Oh My God." kwento nya. Obviously it was my mom "Nakita ni Tita yung gupit na buhok mo sa floor."

"Sakto kakadatin ko, pag pasok ko sa bahay nyo andon ang mga De Luna." Dugtong ni Blake

"For real?" tanong ko

"Oo Tash, nong nagising ako tinanong ako ni Tita Amelia kong nasaan ka. Sabi ko na sa tabi lang kita kanina nagsusuklay tapos nakatulog na ko. At mukhang naniwala naman sya."

"Alam mo ikaw Nicola, pasalamat ka walang sakit sa puso si tita Amelia." Hindi ko naman to gagawin kong alam kong may sakit sa puso si Mommy.

"Bumaba kami ni Tita Amelia, nakita ko mga De Luna. gulat na gulat sila sa reaction ni Tita Amelia." naputol na kwento ni Akisha, kumuha muna sya ng tissue para ipunas sa kanyang bibig. "Sobrang gwapo nong magkapatid, ako na lang kaya mag Pakasal para sayo?" pabiro nyang sabi. Kung pwede lang eh.

Nabuga ni Blake yung kinakain nyang siopao. "Kadiri." sabi ni Akisha habang pinupunasan ang kamay nyang natalsikan ng laway

"Alam mo ba nong sinabi ni Tita Amelia kay Tito na wala ka sa kwarto mo eh napangiti yung magkapatid na De Luna, yung isa napakagat pa sa labi." napakunot ang noo ko habang nagkwekwento si Akisha

"Pinahanap ka sa buong bahay hangang sa pinakasulok. Biglang nag suggest yung isang De Luna na check the CCTV baka nakaalis ka na daw or what. So, they did." Kwento naman ni Blake

"Wait so they saw Kisha's Car and Kuya Robert?" I asked

"Yup." Tango nilang dalawa

"I called Kuya Robert, naka loud speaker para marinig ng parents mo. Buti na lang at marunong din sumakay sa trip mo si Kuya. Tinanong ko sya kung na san ka. Alam mo ba sagot? "Maam na sa bahay nila di ba? Kakagaling lang po natin don. Susundoin na po ba kita sa SM Aura?" Tawang tawa si Akisha ng sinabi niya yon pati si Blake grabe ang halakhak.

"Nakakatawa, halos lahat sila pupuntang Aura. wtf Tash." sabi ni Blake na halos maiyak na kakatawa.

"Eh si Nanang? Nakita ba sya sa CCTV?" pag aalalang tanong ko.

"Ay oo Tash, nakita sya. Tinanong ni Tita Amelia kung bakit di niya napansin na ikaw yun. Sagot lang ni Nanang, maikli ang buhok di daw nya expected na papagupit mo yan." sabi niya sabay hawak sa maikli kong buhok.

Natapos na kaming kumain at ang daming misscalls ni Mommy and messages 54missed calls

Mommy:

Tash, anak na san ka na ba?

Nag aalala na kami ng Daddy mo

Anak umuwi ka na

Pag usapan natin tol.

Naririnig ko ang umiiyak na boses ni mommy habang binabasa ang messages nya

"Tash, kelangan ko na umuwi. Mukhang makakarating kay Mommy ang nanyari. Binilhan ka na namin ng mga damit and some groceries. Balak ipa cut ng daddy mo lahat ng cards mo." Sabi ni Akisha

Napasandal ang aking ulo sa sofa a tinitignan ang puting kisame "Salamat Kish, sobrang thank you." niyakap nya ako ng mahigpit.

"Wala iyon," aniya. Lumapit sya kay Blake at nagpaalam, "Ikaw na bahala kay Tash, pigilan ang bugso ng damdamin." Ngisi ni Tash kay Blake na halatang napikon sa sinabi niya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon