Chapter 17

197 17 4
                                    

"Teka nga Tash, inlove na inlove ka na ba kay Reginald at naisipan mong dito pa sa Spain pahilomin yang nasaktan mong damdamin?" Tanong sakin ni Akisha while We're having our breakfast here in the hotel restaurant.

She's having omelet, garlic bread and juice habang ako ay cinnamon danish and coffee naman.

Sumimsim muna ako ng kape bago sagotin si Akisha. "Alam mo Kish, hindi naman kasi ako seryoso nong sinabi ko na gusto kong pumunta dito sa Spain. Hindi ko din alam kung bakit Spain ang nasabi ko sayo, pwede namang Japan na lang." halos mag dikit na ang kanyang mga kilay dahil sa sinabi ko.

Inilapag nya ang spoon and fork na hawak nya at tinitigan ako nang madiin bago na pabuntong hininga. "What the heck Natasha Nicola. Akala ko naman sobrang broken hearted mo. Dahil dyan, Itransfer mo sa account ko yung bayad mo sa ticket at hotel room." aniya at bumalik na lamang sa pagkain.

"Oo na magbabayad ako, hindi din talaga kasi ako makapag isip ng maayos that time. I didn't expect din na seseryosohin mo." sagot ko.

Sinisimulan ko na ang pagkain ng cinammon danish nang mapansin ko na biglang natahimik si Akisha. She's staring on something, may tinitignan sya sa likodan ko. Because of my curiosity napalingon na din ako.

Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko na lalaki na naman ang tinitignan nya, kambal pa. Nagkibit balikat na lamang ako at itinuloy ang pagkain.

"Kish mind your food." sabi ko sa kanya ng mapansin ko na nakatuon ang buong attention nya sa mga lalaki sa kabilang lamesa na na sa aking likoran.

"Tash sa tingin mo yung babaeng maganda na yun girlfriend nong isa sa mga kambal na nakasalamin?" tanong nya.

Hindi ko tuloy napigilang mapalingon ulit sa likodan ko. Akisha is right, the girl is beautiful. Bagay sa kanya ang half ponytail hair style nya, her hair is dark brown and wavy. Halos may pagkakahawig din sya don sa mga lalaking kambal. Pare pareho silang may pag ka singkit pero not to the point na iisipin mong Chinese sila.

"Mukha silang close." Simpleng sagot ko kay Akisha.

"Good morning ladies" napalingon kami ni Akisha sa lalaking mukhang bagong gising, he's wearing a gray v-neck shirt and maong pants. Umupo sya sa bakanteng upoan sa lamesa namin.

"Grabe jet lag ko." sabi ni Sebastian habang hawak hawak ang kanyang batok.

Tumaas ang kilay ni Akisha sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sinamahan ko lang." Sagot ni Seb at sabay turo sa lalaking nakatalikod na naroon sa harapan ng lamesa ng kambal na kanina naming tinitignan ni Akisha. He's wearing a gray sweatshirt and maong pants.

"Kilala ni Reginald mga yon?" Tanong ni Akisha

"Siguro. Business meeting daw eh." Sagot naman ni Sebastian na nakayuko ngayon habang nakapikit, mukhang pagod na pagod.

"Ang ganda talaga nong babae." sabi ni Akisha na nag paangat sa ulo ni Seb. Napairap na lang ako, basta talaga maganda alertong alerto.

"Ano kayang pinag uusapan nila? Nagtatawanan." si Akisha.

Napabaling ako kay Sebastian na umayos sa pagkakaupo at inayos ang kaninang magulong buhok. Isang pasada lang ng kamay sa buhok fresh na agad, napailing na lamang ako nang maalalang De Luna nga rin pala ang isang ito.

"Tash, ano ba! Nalunok mo ba dila mo?" pang aasar sakin ni Akisha.

"Oo nga Tash. Ni wala man lang hi dyan." Natatawang sabi ni Seb.

"Ako kasi nahihiya sa inyong dalawa. Baka nahahalata na kayo nong mga tao sa likodan ko." sagot ko sa kanila.

"OK lang, basta mapansin ako nong nakasalamin. Mukhang stiffed compared to his twin na bungisngis." napatango na lamang ako dahil totoong stiff nga yung isa.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon