I've known Asher for more than half of my life and yet I think I still get surprised whenever he's doing something special for me. He's been sweet and thoughtful pero mas dumoble pa iyon simula noong maging kami.Pakiramdam ko higit pa sa efforts na ginagawa ko para sa kanya ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin. He's so dedicated in making me feel love that he never fails to amaze me most of the time.
Tulad na lang ng pagsundo at paghatid niya sa akin sa kompanya araw-araw. Minsan nag-aalala na rin ako dahil baka nakakaligtaan niya na ang mga negosyo niya dahil sa akin. But he's always assuring me that he allotted enough time for his businesses.
"Jessa, you can go home now. Pauwi na rin ako mamaya." I called my secretary. Sa dami ng trabaho dahil naka-maternity leave si Juliana, kinailangan ko na rin ng secretary para matulungan man lang akong ma-organize ang schedules ko.
Hinihintay ko lang si Asher at tapos na rin naman ako sa trabaho. He was on his way on his last message so I assumed that he'll be here any minute now.
Hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto pagkatapos kong maayos ang mga gamit at makapa-retouch, I received another text from him saying that he's already in the lobby. Medyo nagtaka pa ako kasi dati naman umaakyat pa siya sa office ko para masundo ako.
Nakasabay ko pa sa elevator si Augusto na mukhang pauwi na rin. Pansamantalang siya muna ang namumuno rito sa kompanya dahil maselan ang pagbubuntis ng kapatid ko. The doctor said that Juliana needs a full bed rest. Nagkaroon kasi siya ng spotting noong huli siyang bumisita rito sa kompanya.
That alarmed Daddy and of course, Augusto. Kaya naman simula noon pinagbawalan na nilang pumunta rito si Juliana o makarinig ng kahit anong problema.
"Please tell Juls I'll visit her one of these days." I told Augusto when the elevator opened. Nabanggit niya kasing nabo-bored si Juliana sa bahay nila. Kakalipat lang nila noong nakaraang linggo at wala silang masyadong kilala sa subdivision.
"Yes please. She wanted us to have a trip outside Manila but I can't risk it though." Augusto smiled while shaking his head. "Tsaka na kapag nakapanganak na siya."
I nodded and smiled when he bid goodbye. Nauna na siyang naglakad at bahagyang tumigil nang natanaw si Asher na nakatayo sa may lobby. They talked for a second before Augusto continued going outside.
Ilang taon ko na bang mahal si Asher? Pero nakaka-amaze pa rin kung paanong bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Mabilis ring uminit ang pisngi ko nang mapansin ang hawak niya sa isang kamay.
His lips automatically formed a smile when our eyes met. I continued walking despite of the unexplainable feeling I have in my chest. Ramdam ko ang paglingon ng iilang empleyado sa amin but I couldn't mind them, though.
"Hi. For you." He smiled wider while giving me a bouquet of roses. It's a combination of red, dark pink and light pink roses.
"Para saan 'to?" Nakangiti kong tanong bago amuyin ang mga bulaklak. It smells so good. Sobrang ganda rin ng pagkaka-arrange at malalaki ang bulaklak.
"Wala lang. I just want to give it to you." He smiled and kissed the side of my head while snaking his arm on my waist. He's always been like this. Sobrang PDA niya talaga! Pakiramdam ko tuloy sinasadya niyang ipakita sa lahat na kami na.
Hindi yata lumilipas ang isang linggo na hindi siya magpo-post ng picture namin sa social media accounts niya! Madalas din may dala siya para sa akin tulad na lang ng lunch na siya pa mismo ang nagluluto. Minsan tuloy iniisip ko napapabayaan niya na ang iba niyang trabaho dahil sa akin. He's literally always there for me!
YOU ARE READING
The Last Teardrop (TS3)
RomanceSamantha Kelsey Chua a fruit of her parents' mistake an illegitimate child a nobody for the Chua's a woman who shed tears for the people she wished would love her like the way she wanted a woman who's strengthened by all the pain she experienced H...