Hi! I have a new story entitled Love, Lies & Consequences. The prologue was already posted. Hope you'll also give it a chance. Thank you!
_________
This is the last chapter of The Last Teardrop. There will be an epilogue after this. Enjoy reading! :)
__________
"Why are you crying again, baby?" I carried baby Sandro, one of the twins, from his crib. Kanina pa siyang umiiyak. Gabing gabi na at gising na gising pa rin siya.
"Pinadede mo na ba, anak?" Mom approached baby Tobi's crib and carried him too. Mukhang nagising ito dahil sa pag-iyak ng kakambal niya.
"I tried feeding him, Ma. Kaso ayaw naman." Sinubukan kong isayaw si Sandro habang dinadama kung basa na ba ang diaper niya. Hindi pa naman puno iyon.
"Baka naman nakagat ng insekto?" She went near me habang hinehele si Tobi. She examined Sandro pero wala naman kaming nakitang pantal. Isa pa, I always make sure na malinis ang higaan nila.
"Sandro, don't cry na baby. May masakit ba sayo, anak?" I kissed his forehead and swayed him again, sinusubukan muling patahanin.
Nilingon ko si Mommy na hawak naman si Tobi na mukhang nakakatulog na ulit. Among these two, si Sandro ang napansin kong mas iyakin. Tobi, on the other hand, is the tamed one.
They're almost four months now at habang tumatagal mas lumalabas ang mga features na nakuha nila kay Asher. Their eyes were both as blue as their Dad. Pareho man kaming matangos ni Ash, pero mukhang sa kanya rin nakuha ang shape ng ilong nila. I think, shape lang yata ng labi ko at ang cleft chin lang ang nakuha nila sa akin. And it's fine with me. Seeing these two always reminds me of their father and it never fails to make me smile.
"Do you miss your Dad?" I asked Sandro, na bagaman medyo tumahan na ay humihikbi pa rin. "I miss your Dad too, anak."
Niyakap ko ang anak ko at hinalikan sa ulo. I'll always love the feeling of their warmth. Whenever I feel sad or alone, their presence would always change that feeling into a content one.
Maraming nangyari sa mga nagdaang buwan, may mga nawala at mga nagbago. Mahirap tanggapin. Pero siguro ganoon talaga? Na kapag may nawawala may kapalit na darating.
"And why is my big boy crying?" Mabilis ang naging paglingon ko nang marinig ang boses ni Asher sa likuran ko. He's still wearing his coat pero maluwag na ang tie. He's carrying his small luggage at mabilis na iniwan sa pinto para lumapit sa amin. "Gabing-gabi na umiiyak pa rin?"
"Akala ko sa Sunday pa ang uwi mo?" I asked after he kissed my lips. Nilingon niya ang anak namin, na surprisingly ay biglang naging masigla.
"I cut my trip. Nag-resched na lang ako for next month. Akin na." I gave him Sandro, na halos magpapadyak pa habang kinukuha ng daddy niya.
"Hay naku! Favorite ka talaga niyan!" I rolled my eyes and got Tobi from Mommy dahil nagpaalam na itong uuwi muna. Sinasamahan kasi ako ni Mommy rito sa bahay pag wala si Asher. And since nakauwi na si Ash, sa kabilang bahay na ulit siya matutulog.
"Did you miss me, big buddy?" Asher didn't mind my rant. Naging abala na ito sa pakikipaglambingan kay Sandro, na ngayon ay titig na titig sa Daddy niya. "Why are you crying, huh? Pinahihirapan mo na naman si Mommy?"
I was in between pouting and smiling. Minsan kasi hindi na ako napapansin ni Ash lalo na pag kalaro niya na ang kambal. Ayos naman iyon sa akin at nakakatuwa pa nga dahil nagba-bonding silang mag-aama. Pero... nakakahiya ring aminin na nagseselos na ako minsan.
YOU ARE READING
The Last Teardrop (TS3)
RomanceSamantha Kelsey Chua a fruit of her parents' mistake an illegitimate child a nobody for the Chua's a woman who shed tears for the people she wished would love her like the way she wanted a woman who's strengthened by all the pain she experienced H...