Chapter 8

89 3 18
                                    



I was so distracted while we were watching a movie inside my condo unit because Andrew kept on smiling while using his phone.


Ilang linggo ko nang napapansin na nakatutok siya palagi sa cellphone niya. Noong una, akala ko naglalaro o nanunuod lang but when I saw him typing, that's when I realized that he's probably chatting with someone.


I have no idea who that is. Wala rin naman siyang sinasabi sa amin ni Areese. Hindi tulad noon na nagsasabi siya kapag may babaeng pino-pormahan, ngayon, parang nagiging malihim na siya. O baka ako lang talaga ang nag-iisip nang ganoon?


"Drew, magluto ka na", I tried teasing him, "hindi ka naman nanunuod eh"


Areese moved her head towards us. Kaming tatlo lang ang andito, sinusulit ang mga araw dahil aalis na si Areese papuntang ibang bansa sa Lunes. I'll surely miss her. Siya lang ang itinuturing kong kaibigang babae. Kung ako ang tatanungin, ayoko sana siyang umalis but she wants it and she also needs it for their business. Siya kasi ang magmamana ng kompanya nila.


"Who are you chatting with?", she eyed Andrew while sitting properly, wala nang nanunuod ng movie, "You've been so engrossed with your phone since... how many weeks ago na ba? Don't tell me si Helena pa rin yan?"


Areese hated Helena so much, ganoon din naman ako. We discovered that she two-timed Andrew at walang kaalam-alam noon si Andrew. We just knew about it when one of her friends told us about what Helena did.


"Helena and I were just friends", I don't even understand why he's still making friends with that girl. Ang alam ko nilalandi ulit noon si Andrew. Baka bumigay pa 'tong isang 'to. May pagka-tanga pa naman siya minsan, "And no, this isn't Helena"


His smile intrigued us so much. Nagkatinginan na lang kami ni Areese nang tumayo si Andrew at dumiretsyo sa kitchen. He can cook, but he's really not much into kitchen kaya medyo nag-alala ako para sa unit ko. Tatlong linggo pa lang ako dito at baka makasunog agad si Andrew. Good thing it went well. Yun nga lang, fried meat loaf, eggs at bacon lang ang niluto niya dahil yun lang daw ang kaya niya.


Mas marunong pa ako kahit paano sa kanya. Gusto sana akong samahan ni Ate Poly dito sa unit dahil nag-aalala siya para sa akin pero sinabi kong kaya ko na. Iba naman ang sitwasyon ko sa mansion at iba rin dito.


I can freely move here and I can do whatever I want. Doon sa mansion pakiramdam ko bawat kilos ko limitado. Kailangan nakasunod sa mga gusto nila. Kahit tama para sa akin, nagiging mali pagdating sa kanila.


Weeks gone fast. Nakaalis na si Areese and I felt so sad since she left. Malaki ang naging pagbabago sa buhay ko simula noong umalis siya. There were times that I felt so alone kasi pati si Drew naging sobrang busy na rin.


I could always see him on his phone. Kung noon, puro chat siya, ngayon nakikita ko na ring may ka-video call siya sa messenger. Yun nga lang, ayaw niyang ipakita sa akin kung sino. I was so sure na may pino-pormahan siya. The way he smiles and the way his cheeks blushed told so.


"Kinakabahan ako", I told him the night before our first day in college. Andito kami sa isang coffee shop after mag-dinner. His unit is in the same building as mine kaya madalas pa rin kaming magkasama.


"Kaya mo yan. Tinalo mo nga ako noong Grade 12 eh", he smiled proudly at me before sipping on his frappe.


He was our top 1 when we're in Grade 11 at top 2 lang ako. Pero nalampasan ko siya noong maging Grade 12 kami. Minsan tuloy iniisip ko na baka sadyang nagpatalo siya para ako ang maging valedictorian sa batch namin.


The Last Teardrop (TS3)Where stories live. Discover now