Chapter 12

12 0 0
                                    

CHAPTER 12 : TADZ's POV

"Anak, nabili mo ba lahat?"

"Oo naman po Mama, nandoon na po sa kusina, magbibihis lang po ako dahil sobrang basa ng pawis ang damit ko." Sabi ko at tumagilid kay Mama Tessa, baka makita niya ang pisnge ko, tinakpan ko nga ng buhok ko e.

"Ate Tadz, saan ka po nagpunta?"

"Mayro'n lang akong binisita Torz, kumusta ang pakiramdam mo?"

"Okay na ako Ate, thank you sa pag-aalaga mo sa akin last night." Sabi ni Torz at niyakap ako.

"Ate, ano'ng mayro'n d'yan?" Tanong ni Tatz, turo sa pisnge ko bago tumabi sa akin sa sofa.

"Blush on." Mahinang sambit ko

"Eh? Hindi ka naman nagme-make up eh, atsaka bakit 'yong kabila lang?" Tanong ni Tatheana

"Sinubukan ko lang." Sagot ko sa kanya

"Asus! Niloloko mo ako eh, may sumampal ba sa iyo?" Tanong pa ni Tatheana, nilingon tuloy kami ni Mama Tessa.

"Wala. Sino naman ang sasampal sa akin?"

"Sabagay, sino nga namang sasampal sa iyo? Takot na lang nila sa 'yo 'no?" Sabi ni Tatheana at nagtawanan sila ni Tamara. Parang hanggang ngayon ay manhid pa rin ang kabiyak na pisnge ko, ang lakas ba naman ng sampal ni Lola Tessie at first time ko pang masampal.

"Ano nga ba ang nangyari d'yan, anak?" Tanong ni Mama Tessa

"Wala 'to 'Ma, magpahinga na po kayo, ako na ang magluluto para mamaya." Sabi ko

"Uuwi yata ang Papa niyo bukas, samahan mo ako bukas ha."

"Saan naman tayo pupunta Mama?"

"Samahan mo ako, bibili tayo ng regalo para sa Papa mo, malapit na ang wedding anniversary namin."

"Ay oo nga po pala, yiee." Biro ko kay Mama

"Magda-dalawampong taon na pala kami, matagal-tagal na din."

"Stay strong po sa inyong dalawa Mama, kung may problema mang dumating, problema lang 'yan, matatag tayo." Sabi ko

"Salamat anak, magpahinga ka na muna doon sa kwarto mo."

Pagpasok ko ng kwarto ay nakapamewang si Tadhana at nakataas ang bagong ahit niyang kilay.

"What?" Tanong ko

"Ate, I know you, ano ba talaga ang nangyari?"

"Tatz, I'm fine."

"Sino'ng nanakit sa 'yo Ate? Bakit pumayag ka na saktan ka?"

"Tatz, calm down, baka marinig ka ni Mama, baka mag-alala pa siya."

"So, ano nga ang nangyari?" Tanong niya, mapilit talaga 'tong si Tatheana, siya kasi 'yong tipong hindi titigil hangga't hindi niya nalalaman 'yong tinatago mo.

"May sumampal sa akin." Bulong ko, nakita ko ang galit sa mata.

"Sino? Bakit ka pumayag?"

"Biglaan eh."

"Ate!"

"Tatz, hinaan mo nga ang boses mo."

"Bakit hindi ka lumaban?"

"Hindi pwede..."

"Bakit? Ikaw ang sinampal, wala ka naman yatang ginagawa sa kanya, pwedeng kasuhan 'yon Ate."

"Hindi maaari."

"Eh bakit nga?"

"Kasi nga, matanda 'yon."

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon