Chapter 9

7 0 0
                                    

CHAPTER 09 : TADHANA's POV

"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!" Bulong ko habang palakad-lakad sa kwarto namin.

"Ate, nahihilo na kami sa iyo, pumirme ka nga." Sabi ni Tatheana

"Ate, ano'ng nangyayari sa iyo? Stressed ka ba?"

"Hindi Tamz."

"Ate, hilot kita?" Tanong ni Toreinne

"Hindi na baby, you need to sleep na, may pasok pa bukas. Ikaw din Tamz, matulog ka na."

"Opo Ate, good night."

"Good night Ate Tadz."

"Good night Tamz, good night Torz." Lumapit sila sa akin at yumakap gano'n din kay Tatz bago nahiga sa mga kama nila.

Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig.

"Ate, ano ba talaga 'yon?"

"Wala."

"May masakit na naman ba sa iyo? Hindi ka ba makatulog?"

"Ayos lang ako Tatz."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sabi mo sa akin kanina e may sasabihin ka, ano 'yon Ate?"

"Kilala ko na kung sino 'yong nagsayaw sa akin noon sa masquerade party."

"Talaga Ate? Paano?"

"Nakilala ko siya dahil sa hindi mabilang na nunal niya sa kamay atsaka nagpakilala siya sa akin.

"Wow. Ano'ng na-feel mo?"

"Nagulat. Hindi ko Mama inakala na si Tala pala 'yon."

Natawa si Tatheana. "Ate, ang mukha mo, parang disappointed."

"Hindi ah, 'yong napag-usapan kasi natin, 'yong nakikita sa future, si Tala? TALAga?? Nakita ko nga siya kanina e may suot na wig at may hawak na make up."

"Kaya ka naiinis?"

"Hindi."

"Ate, job niya 'yon, baka nagkataon lang na suot niya nung nakita mo. Oo, mayaman sila pero hindi sila pinapaasa ni Tita sa perang mayroon sila, may kanya-kanya silang business para doon sila kukuha ng perang gagastuhin nila at hindi na sila hihinge sa parents nila. Kaya nga thankful ako na Ate kita e, kaai ikaw ang nagpo-provide ng mga kailangan namin sa school at hindi na kami hihinge kay Papa."

"Tungkulin ko 'yon bilang Ate."

"Kaya nga po Ate, work ni Kuya Tala ang  mag make-upsa mga bakla at mga babaeng sumasali sa pageant, talent niya ang pagme-make up, bongga kaya! Inayos nga niya ang kilay ko e." Sabi ni Tatheana at pinakita sa akin.

"Eh bakit ka pa nagpa-ayos ng kilay?"

"Ate, dalaga na ako."

"Alam ko, pero–"

"Ate, natural lang 'yon sa babae. Kaya hindi ka nagkaka-jowa e, trabaho palagi ang iniisip mo, isipin mo rin naman ang sarili mo Ate. Si Kuya Tyron na nga lang ang nagti-tyaga sa 'yong manligaw e parang siga ka kasi kumilos, parang anytime na magsasalita sila e babanatan mo agad."

"Eh ano'ng magagawa ko e ganito talaga ako, hindi ko naman babaguhin ang sarili ko para lang magustuhan ng ibang tao, ang gusto kobay tanggap ako kung sino ako."

"Sana'y kayo na lang nu Kuya Tala, isang pa-girl at isang pa-boy, cute couple! A-Aray." Daing niya dahil binatukan ko siya.

"Ate, huwag ka nang magalit d'yan, kilay lang naman 'to, tutubo din 'to, hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko e."

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon