CHAPTER 21 : TALA's POV ★
Parang nabinge ako dahil sa sigawan ng mga tao pero rinig na rinig ko ang sinabi ni Tadhana.
"I love you, Tan Labrador."
Paulit-ulit na ume-echo sa tainga ko.
Agad ko siyang niyakap.
"Totoo? Mahal mo na rin ako?" Yakap yakap ko pa rin siya.
"Oo nga, actually m-matagal na."
"Eh bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit hindi ka umamin sa akin? Pinaghintay mo pa ako e mahal mo na rin pala ako."
"Nahihiya ako e, first time 'to. Hinihintay kong tanungin mo ako, ayoko naman na ako ang unang umamin, pangit sa aming mga babae 'yon."
"H'wag na natin pag-usapan 'yon, ang mahalaga'y mahal mo ako." Hinalikan ko siya sa noo.
"Gusto ko ng umuwi pero gusto pa kitang makasama." Bumaba na kami ng entablado, nakakahiya naman sa mga tao.
"Thank you everyone, maraming salamat sa tulong niyo." Kumaway-kaway ako sa mga tao sa bar, malaking tulong sila sa sorpresang ginawa ko.
"Ihahatid na kita pauwi."
"S-Sige. Eh si Tatheana, saan nagpunta?"
"Kasama siya ni Tiffy, ihahatid sila ni Kuya Tonie, don't worry."
Inalalayan ko ulit siyang sumakay sa motor. "Susunduin kita sa bahay niyo bukas na hapon, hindi naman yata pwedeng tumambay sa store niyo para sana palagi kitang kasama."
"Tan."
"Hindi ako sanay na Tan ang tawag mo sa akin."
"Ano ba'ng gusto mo?"
"Ikaw?" Mabilis kong sagot.
"Alam kong ako ang gusto mo, ang ibig kong sabihin e ano ang gusto mong itawag ko sa ''yo, Tan ba o Tala." Tanong niya at humawak sa balikat ko.
"Ayos lang sa akin kahit alin sa dalawa, kung saan ka masaya."
"Eh sa 'yo ako masaya e." Muntik na akong magpreno dahil sa sagot niya, napangiti na lang ako.
Inihatid ko na lang siya sa bahay nila, nag-hi lang ako saglit kila Tita at umuwi na rin, gabi na.
Napansin ko lang na may sumuauo na naman sa akin, ilang araw ng ganito, kung hindi ako nagkakamali ay si Tyron 'yon.
Mabilis kong pinaliko ang motor ko sa madilim na lugar, pinatay ko ang ilaw at hinintay na dumaan siya. Tumigil ito sa tapat ng street light at nagtanggal ng helmet.
Si Tyron nga, mukhang naiinis siya dahil pinagsisipa niya ang maliliit na bato sa harapan niya.
"May araw ka rin sa akin." Narinig kong sambit niya bago pinaharurot palayo ang motor, nang makalayo na siya ay saka pa lang ako lumabas sa pinagtataguan ko.
Alam kong galit siya sa akin dahil may gusto ako kay Tadz pero mas lalo siyang magagalit kapag nalaman niyang kami na ng destiny niya.
Kilala ko si Tyron, 'yong Tito niya ay nakulong raw, tiningnan ko ang record ng mga naging pasyente ni Daddy at kasama doon si Tommy dela Cruz, naligo raw lang 'yon ng pagod tapos natulog, paggising niya ay wala na siya sa matinong pag-iisip.
-
"Bakit ngayon lang ang lalakeng in love?"
"Mom!" Niyakap ko siya agad.
"Hay. Binata na talaga ang anak ko, I love you anak."
"I love you too, Mom. Bakit kayo umiiyak?"
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...