CHAPTER 18 : TADZ's POV ★
"H'wag na kasi kayong manood ng ganyan. Pasok na sa loob, tatawagin ko na lang kayo mamaya." Sabi ni Mama Tessa
"Sasamahan ko lang muna sila Mama." Sabi ko at binuhat si Torz
"Hana, mag uusap tayo." Maotoridad na sambit ni Papa, kaagad akong tumango.
"Balik na po tayo doon sa sala, pasensya na po." Sabi ni Mama kay Lola Tessie at inalalayan ni Tinay ang matanda.
"Ate, dito ka lang sa loob kasama namin, natatakot ako." Sabi ni Toreinne na sobrang higpit ng yakap sa akin.
"Torz, kailangan si Ate Tadz sa labas, nandito naman kami ni Ate Tatz e." Sabi ni Tamara
"Oo nga Torz, dito ka sa gitna namin ni Tamz, manunuod tayo ng funny videos." Sabi ni Tatheana, lumapit naman si Toreinne sa kanila.
"Pupunta na ako doon ha." Sabi ko, tumango lang sila, mabuti na lang at may mababait akong kapatid pero ano'ng gagawin ko paglabas ko ng kwarto?
Ano ba talaga ang ipinunta nila Lola dito?
Sumilip lang muna ako sa sala, mukhang seryoso sila sa mga pinag-uusapan nila, napatingin si Mama sa gawi ko at sinenyasan akong lumapit.
"Tadz. Anak, maupo ka." Sabi ni Mama, tumingin sa akin si Lola, mukhang marami na silang napag-usapan.
"Apo, patawarin mo ako, hindi ko naman sinasadya 'yon eh, nadala lang ako ng galit ko, hindi ko na-kontrol ang sarili ko." Sabi ni Lola Tessie, ngiti lang ang tanging nai-sukli ko, ngiting may halong pagtataka.
"Ano po ba talaga ang sadya niyo dito?" Lakas-loob kong tanong, hindi naman ako pinigilan ni Mama o kahit ni Papa.
"Nagpunta talaga ako dito para huminge ng tawad, ilang dekada na tayong hindi nagkikita-kita, alam kong mali ang mga naging desisyon ko noon at madalas akong hindi pinapatulog ng Mama Techie mo, palagi siyang nasa panaginip ko, kinukumbinse ako na hanapin kayo at ayusin ang lahat. Noong nasampal kita, nagpakita ulit siya sa panaginip ko pero hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa akin, malamang ay galit ang panganay ko." Kwento ni Lola Tessie, napa-iwas ako ng tingin, nagbabadyang tumulo ang luha ko.
Bakit kay Lola e nagpakita siya? Bakit sa akin ay hindi?
Matagal ko na siyang gustong makita.
"K-Kukuha lang po ako ng tubig." Nakatungong sambit ko bago nagtungo sa kusina, binubuksan ko lang ang refrigerator ay bumuhos na agad ang luha ko.
"Nakakatampo naman Mama Techie." Bulong ko habang humihikbi, naghilamos ako saglit pagkainom ko ng tubig bago naglakad pabalik ng sala pero napahinto ako ulit at nagkubli malapit sa pinto.
"Sigurado ka ba Teddy?"
"Sigurado saan po?" Kunot-noong tanong ni Papa kay Lola.
"Sigurado ka bang ikaw talaga ang Papa ni Tadhana?"
Ha?
Tama ba 'tong narinig ko? Akala ko alam ko na lahat, ano pa ba'ng hindi ko alam tungkol sa pagkatao ko?
"Ano po ang ibig niyong sabihin? Ako talaga ang Papa ni Hana, walang iba." Sagot ni Papa, bumalik ako sa kusina at muling uminom ng tubig.
Gusto kong bumalik sa sala pero baka may malaman na naman ako tapos hindi ko na kayanin.
"Hana, halika na dito, tawagin mo na ang mga kapatid mo."
Narinig kong tawag ni Papa sa akin, muli akong naghilamos.
"O-Opo ‘Pa." Dumeretso ako sa kwarto namin. "Pinapatawag na kayo ni Papa." Nakatungo kong tawag sa mga kapatid ko, baka mahalata nilang umiyak ako.
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...