Chapter 10

3 0 0
                                    

CHAPTER 10 : TADZ's POV

"Kumusta ang pakiramdam mo, Tadz?"

"Okay naman po Doc. Tristan, salamat po ulit."

"Walang anuman 'yon, enjoy the party."

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Labrador, birthday ni Tiffy, sinamahan ko si Tatheana, hindi sumama sila Mama dahil nilalagnat si Toreinne. Naupo na lang ako sa isang tabi at hinintay na matapos ang party para makauwi na kami, hindi naman ako sanay na ganito, mas mabuti pang natutulog, kung hindi lang nakakahiya e hindi ako pupunta.

Habang pinipigilan ko ang antok ko, dumaan si Tala si harapan ko, nagdalawang isip ako kung tatawagan ko ba o hindi.

"Hey!"

Nilingon niya ako, kita ko ang pagkabigla niya. "H-Hi, nandito ka pala."

"Ate's duty, samahan ko raw si Tatz e sabi ni Papa."

"Oh, I see."

Kumuha siya ng drinks sa dumaang crew at inabutan ako.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko, nasamid siya ng iniinom niya.

"H-Ha?"

"Tinatanong ko kung iniiwasan mo ba ako, Tala." Ulit ko, inilapag niya saglit sa mesa ang drinks niya at tiningnan ako.

"Sorry."

"Dahil sa ginawa mo?" Tanong ko , tumango siya. "Wala namang kaso sa akin 'yon kung sinusubukan mo lang ang sarili mo." Sabi ko, "Curious ka?" Tanong ko pa

"Medyo. Prangka ka pala?"

"Ayaw ko kasi ng nagpapaligoy-ligoy, gusto ko derechahan na kasi sayang ang oras."

"Ikaw, hindi ka curious?" Tanong niya sa akin, natawa ako.

"Hindi. Parang lalake lang talaga akong kumilos pero pusong babae pa rin naman ako." Sagot ko, ngumiti siya.

"Sorry ulit. Kailan ka tutugtog sa bar? Hinahanap ka na ng nga costumer ko doon."

"Sa Tuesday siguro, hindi ako nakapunta last Friday night, may tinapos kaming project eh." Sabi ko

"Hi Ate Tadz!"

"Hi Tiffy, happy birthday!"

"Thank you. You know what Ate, in love si Kuya Tala, chikahin mo nga, kapag sinabi niya sa 'yo e sabihin mo sa akin para naman may idea ako."

"Tiffany! Bumalik ka na doon sa mga kaibigan mo, kung anu-ano ang sinasabi mo dito kay Tadhana e."

"Tadhana, asus Kuya!" Sabi ni Tiffy at kinikiti pa ang Kuya niya.

"In love ka pala e."

Aw.

"Hindi pa nga sigurado, curious pa." Sabi niya sabay lagok sa inuming hawak niya. Nahiya naman akong tanungin kung sa babae ba o sa lalake siya in love, baka ma-offend siya.

"Tan, pare!"

May lumapit sa aming dalawang lalake, tahimik lang akong nakamasid.

"Nandito pala kayo? Ang sabi ni Tita e next week pa raw kayo babalik dito."

"Napaaga e, namimiss na namin ang Pilipinas, lalo na ikaw."

Ay!

"May chikababes ka palang kasama." Sabi ng isang lalake at kinindatan pa ako, napakunot-noo ako, ang lagkit ng tingin.

"Schoolmate ko." Pakilala ni Tala

"What's your name, Miss?"

"Tadhana." Mahinang sagot ko

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon