Chapter 22

4 0 0
                                    

CHAPTER 22 : TADHANA's POV

Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Sana nagbibiro lang si Timmy pero alam kong hindi siya palabiro. "Ano'ng gagawin mo Tim? Sasabihin mo ba sa Daddy mo? Paano kung ikaw ang balikan ni Tyron o 'di kaya'y ang pamilya mo?"

"No. Hayaan na lang natin, natatakot ako sa posibleng gawin niya sa pamilya ko pero susubaybayan ko pa rin siya, susubukan ko siyang pigilan."

"Mag-iingat ka Tim."

"Mas mag-iingat ka Tadz."

Ipinakita sa akin ni Timmy ang nakuha niyang  vedio, madilim pero kitang kita ang nangyari.

Tyron, bakit naman ganito? Nakakatakot ako, natatakot ako para sa kanya.

"Hi Tadz."

"Oy, hi."

"Hay lovebirds, h'wag masyadong sweet, baka bigla akong umuwi para lang makita si Therese."

"Tapos kapag tinanong ka ng Prof. kung bakit wala ka ngayon, sabihin mo e nainggit  po ako kila Tan kaya umuwi ako saglit, bebe time." Sabi ni Tala at nagtawanan kami, hay, may pa-bebe time pang nalalaman e.

"Aral muna tayo, mamaya na ang bebe time, 'di ba bebe." Sabay kindat sa akin.

"Woii!" Saway ni Timmy bago humalakhak.

Habang lumilipas ang araw, nagiging strong ang pagmamahalan namin ni Tala, pinaparamdam niya talaga sa akin na mahal niya ako and I feel like I'm a princess, pero simula noong araw na naging kami ni Tala ay umiwas na si Tyron, nagha-hi lang siya pero agad ring umiiwas, ganoon din si Tanya, hindi na siya sumasama sa akin, hindi nga rin lumalapit at kapag lalapitan ko naman siya ay lumalayo siya.  

Hindi ko siya masisisi, baka ayaw niya na pinagsasabihan siya. 

Five months later, kinumbinse ako ni Tala na sumali sa beauty pageant, syempre ayaw ko, sino'ng maniniwala sa akin  na beauty queen ako e siga ako kung maglakad pero dahil nangako si Tala na tuturuan niya ako, napapayag ako.

"Pwesto, pwesto. Magsisimula na."

This is the second time na sasali ako, noong una, first runner up lang ako, hindi na masama 'yon sa first timer.

"Bebe, ready ka na?" Tanong ni Tala sa akin sabay back hug.

"I'm ready pero kinakabahan ako, pa'no kapag nadapa ako?"

"Sasaluhin kita."

"Sus. HAHAHAHA! Ikaw talaga, salamat Tala, salamat sa suporta."

"Galingan mo ha, 'yong mga tinuro ko sa 'yo. I love you."

"I love you."

"Tama na ang kilig, pwede? Baka himatayin na ako dito e hindi na ako makapag-cheer. " Nakasimangot na sambit ni Tatheana na may dala dalang tarpaulin na may pangalan ko.

Nagsidatingan na din ang mga tao, nakikita ko na rin sila Mama kasama si Papa at ang mga kapatid ko, hindi ko talaga naisip sa buong buhay ko na gagawin ko 'to dahil si Tatheana ang may pangarap na maging beauty queen, ang pangarap ko lang ay magkaroon ng maayos na buhay ang pamilya ko, 'yong hindi sila magugutom.

"Apo, proud ako sa iyo."

"Thank you Lola, mahal kita."

"H'wag kang iiyak, masisira ang make up mo."

"Opo Tita Teressa, salamat po sa inyo." Pinipigilan kong maiyak dahil baka lalo akong pumangit kapag kumalat ang make up ko.

"Tadhana Magdalita, Cavite!"

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon