CHAPTER 13 : TADZ's POV
"Destiny, namiss kita." Sabi ni Tyron sabay yakap sa akin.
"Namiss ko din kayo, papasok na ako palagi, magaling na ako." Sabi ko
"Pupunta sana ako sa bahay niyo kahapon pero wala ka raw doon."
"May pinuntahan kami ni Mama."
"Oo nga, pumunta ako doon kaso may kausap kayong lalake, sino 'yon?" Seryosong tanong ni Tyron, napatingin ako kat Timmy, napa-iling siya dahil sa tono ng pagtatanong ni Tyron.
"Lalake? 'yung nagta-trabaho doon sa store?"
"Oo."
"Si Thirdy 'yon, I met him sa sementeryo, nakita ko siya doon noong dumalaw ako sa puntod ng kapatid ni Mama Tessa."
"Magkasama kayong dalawa?"
"Hoy Tyron! Ano bang tanong'yan kay Tadz? Umiral na naman 'yang ano mo ha."
"Shut up Tim! Nagtatanong lang ako."
"Okay, sabi mo eh." Kibit-balikat na sambit ni Timmy
"Si Tan, kasama niyo siya ni Tita Tessa kahapon?"
Sinusundan ba ako nitong si Tyron? Bakit niya alam kung nasaan ako at kung ano ang ginagawa ko?
"Nakita lang namin siya noong pauwi na kami at hinatid niya kami sa bahay, bakit? Turon..."
Ngumiti lang si Tyron. "Kape? Gusto mo?" Biglang tanong niya, iniba ang pinag-uusapan namin.
"Nagkape na ako sa bahay eh, punta lang ako kay Ma'am Thelma ha." Sabi ko at iniwan na si Tyron sa pwesto niya, mukhang may malalim siyang iniisip.
"Na-hot seat ka ah, daig pa Tito Boy." Bulong ni Timmy pagdaan ko sa tapat niya.
"Oo nga eh, problema nun?"
"Alam mo namang in love na in love sa iyo 'yan."
"Alam niya rin namang hanggang kaibigan lang 'yong kaya kong ibigay sa kanya."
"Kaya nga, atsaka nag-away kasi sila ni Tito kahapon kaya ganyan siya ngayon." Sabi ni Timmy
"Huwag mong sabihing sinapak niya na naman si Tito."
"Hindi naman, pero 'yong kapatid niya at sinuntok niya." Natatawang sabi ni Timmy, kakaiba talaga ang ugali ni Tyron, iniintindi lang namin siya dahil kami lang ang kaibigan niya.
—
"May lakad ka?"
"Oo e." Sagot ko kay Tyron
"Saan?"
"May pag-uusapan kami ni–"
"Tala na naman?"
"Para sa pagtugtog ko sa bar niya."
"Pwede ba akong sumama?"
"Ano? Umuwi na tayo Tyron, hahanapin ka na naman ng Kuya mo." Sabi ni Timmy
"Sumama tayo sa kanya, Tim! Uuwi rin tayo agad."
"Tol, lakad 'yan ni Tadz, some privacy please, hindi ka ba napapagod?"
Tumahimik si Tyron.
"Halika na, uwi na tayo." Yaya ni Timmy, kakatapos lang ng klase namin.
"Napapagod din pero para kay destiny, hindi ako susuko. Sige, uuwi na ako, ingat ka." Sabi ni Tyron sa akin at sumakay na sa motor niya at agad na umalis.
"Tadz, mauuna na rin ako, hindi pa ba darating 'yong date mo? Este, 'yong ka-meeting pala."
"Loko! Nand'yan na nga e." Sabi ko dahil may tumigil na sasakyan sa harap namin.
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...