CHAPTER 1 : TADHANA's POV
"May nakita ka bang pogi doon Ate?" Tanong ni Tatheana
"Wala, paano ko malalaman kung pogi o hindi 'yong mga lalakeng nandoon e puro sila naka-maskara, masquerade party 'yon baliw." Sagot ko
"Ay, Oo nga pala hehe." Sabi ni Tatheana at naupo sa tabi ko. Magkakasama kaming apat sa kwarto, all girls.
"Ate, kailan ka magjo-jowa?"
"Tatz, tigilan mo ako ha, bakit ba palagi mong tinatanong 'yon ha? Siguro gusto mo nang magka-jowa 'no?" Tanong ko
"Hindi ah, may irereto lang sana ako sa iyo."
"Na naman? Tapos kapag nakita na ako e tatakbo na."
"Eh kasi naman Ate, inaangasan mo e, mas lalake ka pa kesa sa kanila."
"Ayaw ko kasi ng nirereto-reto, ang gusto ko e kapag nakita ko, alam kong siya na." Nakangiti kong sagot
"Lalake?"
"Syempre lalake, sira! Ganito lang ako umasta pero babae pa rin ako 'no." Sabi ko
"Tadz, Tatz, Tamz, Torz."
"Tinatawag tayo ni Mama, Ate." Sabi ni Tamara
"Hana, Thea, Mara, Reinne."
Nagkatinginan kaming apat. "Si Papa!" Sigaw namin at nag-unahan kami palabas ng kwarto namin.
"Papa." Yumakap ako agad.
"Papa." Nakiyakap din sila at kumarga pa si Torienne kay Papa.
"Kumusta ang mga prinsesa?" Tanong ni Papa Teddy
"Pa, hindi prinsesa si Ate Tadz." Sabi ni Tatheana
"Ate Tatz, ikaw 'yong hindi mukhang prinsesa." Sabi ni Tamara
"Pa, grabi sila sa akin oh." Nakasimangot na sumbong ni Tatheana kay Papa.
"Ate, you're a princess too."
"Really Torz?"
"Opo. Rakistang prinsesa." Sagot ng bata, napakamot na lang sa ulo niya si Tatheana.
"Papa, bakit ngayon lang po kayo umuwi? Dapat noong isang araw pa."
"Hana, may tinapos pa kasi akong trabaho, nalungkot nga ako kasi hindi ko nasamahan ang Mama Tessa niyo doon sa party."
"Ayos lang po 'yon Papa, alam niyo ba 'Pa, ang ganda ganda ni Mama, para siyang Reyna." Sabi ni Tamara
"Sinamahan naman siya ni Ate, Papa. Ang ganda po ni Ate Tadz, para siyang dyosa."
Nagpalakpakan sila. Kumaway-kaway pa ako.
"Dyosang siga." Dugtong ni Tatheana kaya napatigil ako sa pagkaway.
"Aba't gumaganti ka ah." Sabi ko
"Stop fighting mga Ate, nandito si Papa oh." Sabi ni Toreinne
"Nag-aaway kayo kapag wala ako?" Seryosong tanong ni Papa, natahimik kami.
"Patola!" Sigaw namin at nagtawanan, ganito kami palagi, happy family kahit mahirap ang buhay, kahit hindi kami mayaman, buo kami at nagmamahalan.
—
"Ma, pasok na po ako sa work." Paalam ko
"Ate, sabay na kami sa 'yo ha." Sabi ni Tatheana
"Sige, ihahatid ko na kayo sa mga school niyo bago ako pumasok sa trabaho."
"Ate, pa'no ako? Isasabay mo na rin ako?"
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...