Chapter 16

14 1 0
                                    

CHAPTER 16 : SOMEONE's POV

"Bakit mo naman naitanong? Hinahanap mo ako kagabi 'no?" Pabirong sambit ni Tyron

"Hindi. May nakita kasi ako."

"Nakita? Saan? Nasa bahay lang ako buong gabi, Destiny. Hindi nga ako lumabas kahit doon lang sa tinatambayan ko e."

Napatango-tango na lamang si Tadhana, medyo nagdududa siya dahil hindi makatingin sa kanya si Tyron.

"Baka ka-mukha mo lang 'yon o 'di kaya'y 'yong kapatid mo ang nakita ko, magkamukhang-magkamukha kayo nun e." Sabi ni Tadhana

"Baka nga. Sige, tatapusin ko na 'to, doon ka na sa kabila."

Nagtataka na si Tadhana sa ikinikilos ng kaibigan niya, dati rati'y gusto nitong palaging nakadikit sa kanya.

Break time nila sa trabaho, nagpaalam si Tyron sa dalawa na uuwi siya saglit dahil parang nakalimutan niyang i-lock ang pinto ng bahay nila. "Himala, hindi yata siya parang magnet na dikit ng dikit sa iyo ngayon." Sabi ni Timmy

"Oo nga e, kaya alam kong umiiwas siya e."

"Nakakapagtaka lang na hindi siya nagshe-share sa atin ngayon."

"Baka ayaw na may malaman tayo." Sagot ni Tadhana kaya't mabilis siyang nilingon ni Timmy.

"What do you mean, Tadz?"

"Naaksidente ako kagabi."

"Huh?"

"Pauwi na kami tapos nakita kong babanggain si Tala nung nakamotor, itinulak ko si Tala kaya ako 'yong nabundol. Bago ako nawalan ng malay, nakita ko–"

"Si Tyron?"

"Yung plate number, same ng plate number ni Tyron."

"Hala!"

"Hindi ko sinasabi na siya 'yon, I'm not sure pero 'yong plate number kasi."

"Baka nga siya 'yon, kaya siguro nagkakaganyan siya ngayon. Pag-iingatin mo ang boyfriend mo sa susunod, kilala natin si Tyron at alam din natin kung ano ang kaya niyang gawin."

"Boyfriend?"

"Si Tala." Natatawang sambit ni Timmy

"Loko! Hindi ko siya boyfriend."

"Hindi pa?"

"Tim!"

"HAHAHA! I know you like him too, Tadz. Basta masaya ka, support kita d'yan. Congrats! Babae ka na."

"Timmy!"

"HAHAHA! I got you Tadz!"

Hindi na bumalik si Tyron sa trabaho nila, nagkita na lamang sila sa eskwelahan.

"Bakit hindi ka na bumalik bro?" Tanong no Timmy

"Nakatulog ako." Kumakamot sa ulong sagot ni Tyron.

"Dati naman e kahit pagod ka, pumapasok ka ah." Sabi ni Tadz

"Miss niyo na ako agad? Hindi na mauulit 'yon, parang pati kaluluwa ko kasi e pagod rin kaya hindi na ako bumalik sa store, nagpaalam naman ako kay Ma'am Thelma eh."

"Hi guy's, hi Tyron my love!"

Napalingon ang tatlo sa kaibigan nila, agad na lumapit si Tanya kay Tyron at ipinulupot ang kamay sa braso ni Tyron.

"Ahas ka? Parang nililingkis mo na ako." Sabi ni Tyron, nginitian lang ni Tanya si Tyron sabay bulong, "Ah, gano'n?" Tanong nito kasabay ng pagtaas ng kabilang kilay.

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon