CHAPTER 23 : TADHANA's POV
"Uminom ka ulit ng tubig." Sabi ni Mama, kakauwi lang namin galing sa pageant.
"Ano ba kasi ang napanaginipan mo ate?"
"Thea, mamaya mo na tanungin ang ate mo, hindi pa nga gaanong makahinga oh."
"Sorry po Papa."
Pinagmasdan ko sila isa-isa, halata ang pag-aalala sa mga mukha nila.
"Ano nga ba'ng napanaginipan mo Be? Kinakabahan ako sa 'yo e." Nginitian ko si Tala.
"Ayos lang ako Be, nagulat lang talaga ako."
"Sino'ng napanaginipan mo Hana?" Tanong ni Papa na ikinagulat ko, sino?
"Hindi ko po nakita ang mukha Papa, madilim, unti-unti po siyang lumapit sa akin, may hawak siyang kutsilyo at sasaksakin niya na ako nung nagising ako." Kwento ko, pagsisinungaling ko, ayaw kong malaman nila, ayaw kong mag-alala sila.
"Panaginip lang 'yon Be, hindi nagkakatotoo ang panaginip."
Sana nga, sana nga'y hindi 'yon magkatotoo. "H'wag na muna nating isipin 'yon, magdiwang na tayo sa pagkakapanalo mo. Patunay lang ang panaginip mo na masasama na talaga ang mga tao, pati sa panaginip ay handa silang pumatay. Hindi pa naman huli ang lahat para magbago." Sabi ni Lola Tessie at may iniabot sa aking isang box.
"Para sa'n 'to Lola?"
"Gift. First time kong magregalo sa iyo at proud ako sa 'yo, sobrang proud kami."
"Salamat Lola, gusto ko pong puntahan ang puntod ni Mama Techie."
"Pupunta tayo bukas anak."
"Salamat Papa, maraming salamat."
–
"Tadz, naikwento ni Tan na nanaginip ka raw na may sasaksak sa iyo."
"Oo Tim."
"Sino?" Seryoso niyang tanong.
"Hindi ko a–, fine! S-Si Tyron."
"Ano?!"
"Oo Tim, nakakatakot siya, may hawak siyang kutsilyo at palapit na siya sa akin nung nagising ako. Namumula ang mga mata, nanlilisik, parang adik na halang ang bituka, sobrang nakakatakot Tim."
"Bakit hindi mo sinabi sa pamilya mo?"
"Kasi ayaw kong mag-alala sila atsaka konti lang ang nakakaalam ng totoo, kay Tala at sa mga magulang ko lang natin sinabi hindi ba?"
"Mag double ingat tayo, 'yon ang nararapat."
Bumalik na kami sa trabaho namin, magda-dalawang buwan ng hindi pumapasok sa work si Tyron, hindi ko alam kung bakit pero palagi kong nakikita ang motor niya kung nasaan kami, kahit noong nagpunta kami sa sementeryo e nakita ko rin ang motor niya, sinusundan niya ako.
"Tanya!" Sigaw ko ng makita ko siya sa hallway ng school, lalapit sana siya sa akin pero tila nagbago ang isip niya at biglang umiwas, nakita niya pala si Tyron.
"Turon!" Lumingon siya agad ng nakangiti.
"Yow!"
"May gig ako ngayon, tara?" Yaya ko sa kanila.
"Next time na lang Tadz, may lakad ako."
Tinawag niya akong Tadz?
"Congrats nga pala, balita ko e nanalo ka raw kagabi."
"Salamat."
"Sige, aalis na ako." Nagmamadali siyang naglakad palayo at hindi manlang nilingon si Timmy.
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...