Chapter 02

7 1 0
                                    

CHAPTER 02 : TADHANA's POV

"Mama, nandito na po ako."

"Tulog na sila Ate."

"Tamz, e bakit gising ka pa?"

"Hinihintay po talaga kita Ate Tadz."

"Bakit? May problema ka ba Tamara?"

"Wala po Ate, magpapatulong lang po sana ako sa homework ko."

"Hindi ka ba tinuruan ng Ate Tatz mo?"

"Maaga po siyang natulog eh, kain ka na muna Ate, hihintayin na lang kita." Sabi ni Tamara

"Magbibihis lang ako tapos tuturuan kita, mamaya na ako kakain."

"Thank you Ate."

Pagpasok ko ng kwarto ay biglang nagtalukbong ng kumot si Tatheana.

"Hoy! Hoy! Hoy! Magtutulog-tulugan ka pa ha, online ka one minute ago."

"Ate!"

"Bakit naman hindi mo pa tinulungan si Tamz sa homework niya, hinintay pa ako."

"Ayaw niya e, galit sa akin."

"Na naman? Ano na naman ba ang pinag-aawayan niyo?" Tanong ko

"Pinagsabihan ko lang naman Ate, may crush na agad e ang bata-bata pa."

"Tatz, teenager na siya, natural lang ang nagka-crush, dumaan din naman tayo sa gano'n e 'di ba?"

"Ate, kasi.."

"Tatz, humahanga lang siya, inspiration lang 'yon, hindi naman porket may crush siya e magjo-jowa na siya o mag-aasawa na, crush lang 'yon."

"Fine, ako na naman ang mali, I just want to protect her."

"Yun din naman ang gusto ko, ang protektahan kayo pero pinalaki naman tayo ng tama ng mga magulang natin, hindi tayo basta-basta gagawa ng mga bagay na ikakapahamak natin hindi ba? Sige na, matulog ka na, nine thirty na oh, tama na ang kakaselpon, ipahinga mo ang mata mo."

"Hindi ka pa matutulog Ate?"

"Tutulungan ko pa si Tamz atsaka hindi pa ako naghahapunan."

"Ako na lang ang magtuturo sa kanya ate, kumain ka na."

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Sige, halika na sa labas."

"Ate Tatz, magsisi–"

"Ang Ate Tatz mo na daw ang tutulong sa iyo, ayos lang ba sa iyo 'yon?"

"I taught she was sleeping already."

"Tamz, ayaw kong nag-aaway kayo hindi ba? Gusto ka lang protektahan ng Ate mo at ganoon din ako pero normal lang naman 'yan kaya magbati na kayo."

"Sorry Ate Tatz."

"Sorry din, hug?" Lumapit naman si Tamara kay Tatheana para yumakap.

"Tapusin niyo na agad 'yan ha, kakain lang ako."

"Opo Ate."

"Ate Tadz, gusto mo hilutin kita bago tayo matulog?"

"H'wag na, kailangan matulog na kayo agad pagkatapos n'yan, gabi na. Kaya pa naman ng balikat ko."

"May project nga po pala kami, next week pa naman ang deadline." Sabi ni Tamara

"Bibigyan kita ng pambili, h'wag na hihinge kila Mama ha."

"Opo Ate, thank you, the best ka talaga." Sabi ni Tamara

"Ate, ako din po." Sabi ni Tatheana

"Bibigyan din kita, dadagdagan ko pa ng panload, ayos ba 'yon Tatz?"

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon