CHAPTER 15 : TADZ's POV
Parang hindi ako makahinga ng niyakap ako ni Tala. "Takot akong mawala ka, Tadz." Bulong niya, parang napipi ako sa sinabi niya, hindi ako nakasagot. Napabitaw siya sa pagkakayakap sa akin dahil biglang bumukas ang pinto.
"Ate Tadz, you're awake!" Sabi ni Tiffy, tumango ako.
"Kuya, tawagan mo raw sila Tita Tessa hindi ba? Inuuna pa ang pagyakap e."
"Sila Mama? Alam nila?"
"Oo Ate, nandito sila kanina pero umuwi rin kaagad, wala raw kasing kasama sila Toreinne sa bahay niyo e."
"Uuwi na ako, baka nag-aalala na naman sila." Sabi ko, tiningnan ako ni Tala.
"Kailangan mong magpahinga, kino-kontak ko na nga sila oh." Sabi niya, "Hello? Tita, opo, gising na po siya. Maayos naman po siya, sige po, heto po." Iniabot niya sa akin ang cellphone niya, "Kakausapin ka raw ni Tita Tessa."
"Hello? 'Ma!"
"Diyos ko, Salamat Panginoon at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo anak? May masakit pa ba sa 'yo?"
"Ayos lang po ako 'Ma, 'wag na po kayong mag-alala."
"Gusto nga'ng umuwi ng Papa mo, alalang-alala na sa iyo, kapag hindi ka pa raw nagising ay uuwi siya kahit hating-gabi na."
"Tatawagan ko na lang po si Papa Teddy, 'Ma. Ayos na po ako, ayos lang ako."
"Uuwi ka ba ngayon? Hihintayin ka namin, hindi pa nga natutulog ang mga kapatid mo e."
"Opo, uuwi po ako." Sagot ko kay Mama Tessa pero kay Tala nakatingin.
"Hihintayin ka namin."
"Opo 'Ma."
"Uuwi ka? Kailangan mo pang magpahinga Tadz, hindi pa kaya ng katawan mo." Seryosong sabi ni Tala sa akin, nakikinig lang si Tiffy sa amin.
"Kaya ko na, mabigat lang ang pakiramdam ko, parang nabugbog ang katawan ko dahil sa pagkakatalsik ko pero ayos lang ako."
"Ang sabi mo sa Mama mo ay ayos ka lang."
"Sinabi ko 'yon dahil ayaw kong mag-alala sila. Bakit ba parang galit ka?" Tanong ko
"Hindi naman, nag-aalala lang ako sa iyo. Sorry, ako dapat 'yong nakahiga d'yan kung hindi mo lang sana ginawa 'yon pero salamat, salamat Tadz."
"Wala lang 'yon."
"Wala lang 'yon kahit ikamatay mo na?" Nagtaas na naman siya ng boses.
"Ate Tadz, alalang-alala si Kuya sa iyo kaya ganyan siya mag-react. Hindi nga makakain e ni-uminom manlang ng kape e hindi niya magawa,nakabantay lang siya d'yan sa tabi mo." Sabi ni Tiffy, nilingon ko ang nakatungong si Tala.
"Talaga?"
Nag-angat siya ng tingin at tumango sa akin.
"Tatawagin ko lang si Daddy, sasabihin ko na gising Kanna Ate Tadz para ma-check ka niya, bago ka umuwi."
"Sige Tiffy, thank you."
"You're always welcome my future Ate - in - law, hihihi." Nagkatinginan kami ni Tala, ngiting-ngiti siya.
Posible ba akong ma-in love sa kanya?
AAAAACCCKKKKKK!
"Tadz, may kilala ka bang posibleng gumawa sa atin nun? Wala naman tayong kaaway hindi ba?"
Bigla kong naalala 'yong plate number na nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali, s'yang siya 'yon. Pero, ano'ng motibo niya? Bakit niya binalak na gawin 'yon?
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...