Chapter 19

9 0 0
                                    

CHAPTER 19 : SOMEONE's POV

"Ano? Ulitin mo nga ang tanong mo iha." Tanong ni Doc Tristan kay Tadhana.

"N-Nagkaroon po ba kayo ng anak sa Mama Techie ko?"

"Oo." Sagot ni Doc Tristan, napalunok si Tadhana, bigla siyang kinabahan.

"May gumugulo ba sa isip mo?"

Tumango si Tadhana.

"Oo, nagkaroon kami ng anak ng Mama Techie mo pero– . . . hindi ikaw 'yon, anak ka ni Teddy. Nakunan ang Mama mo noon dahil sa sobrang trabaho at stressed, iyon ang dahilan kung bakit unti-unti kaming nagkalabuan." Kwento ni Doc. Tristan, nakahinga ng maluwag si Tadhana.

"Salamat po."

"Para saan?"

"Sa pagsasabi ng totoo, hindi ko na po alam ang gagawin ko, natatakot po ako, lalo na ngayong . . ." Napatungo si Tadhana, "Unti-unti ko ng minamahal ang anak niyo."

Napa-angat ang mukha ni Tadhana ng marinig niya ang malakas na pagtawa ni Doc. Tristan.

"B-Bakit po?"  Nahihiya niyang tanong

"Masaya lang ako na tanggap mo ang anak ko. Natatakot ka ba dahil akala mo e anak rin kita at magkapatid kayo?"

Tumango si Tadhana. "Mahal na mahal ka ng anak ko, nakikita ko 'yon, wala siyang ibang bukam-bibig kun'di ikaw."

Ngumiti na lang si Tadhana. "Pasensya na po sa abala Doc. Thank you po ha, babalik na po ako sa store."

"Sige, bibigyan na lang kita ulit ng vitamins at bawal magpagod ha, bawal din magpuyat."

"Opo Tito, I mean, Doc."

"Pwede mo akong tawagin kahit alin d'yan sa dalawa, pwede ring Dad na."

Napakamot sa ulo ni Tadz at nahihiyang napatungo.

"Biro lang." Natatawang sabi ni Doc. Tristan at sabay na silang lumabas ng clinic.

"Heto na 'yong bayad iha, salamat ha."

"Salamat po Tita, babalik na po ako at magde-deliver pa ako sa kabila."

"Sige, mag-iingat sa pagmamaneho ha."

"Opo, salamat po."

Bumalik na si Tadhana sa store, ikinarga ni Timmy ang mga groceries na ide-deliver niya sa tinadahang puti ang gate.

"Tao po, tao po."

"Tadhana? Iha, nandito ka na pala, salamat ha, baka sa isang araw e magpa-deliver ako ulit dito, hindi kasi ako makapamili dahil sayang ang benta kapag isasara ko ang tinadahan."

"Sige po Aleng Toyang, wala pong problema, basta i-text niyo na lang po si Ma'am Thelma at ako na po ang bahalang magdala dito."

"Salamat talaga Tadz, malaking tulong 'yon."

"Wala pong anuman, sige po at dadaan muna ako saglit d'yan sa tapat."

"Bakit?"

"D'yan po ang bahay ng Lola ko."

"Ah, 'yong matanda na maputi, ang ganda, kutis kastila."

Natawa si Tadhana. "Salamat po." At nagtungo na si Tadhana sa bahay ng Lola Tessie niya dala dala ang mga prutas na binili niya sa palengke.

"Tao po, Lola?"

"Tingnan mo nga 'yon Tinay, parang boses ng apo ko." Masiglang sambit ni Aleng Tessie

"Ate Tinay."

"Tadz, sabi nga ng Lola mo e ikaw 'yan, pasok ka, nandoon siya sa loob."

"Dumaan lang po ako para ibigay itong saging at mansanas na binili ko, may trabaho pa po ako eh."

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon