CHAPTER 05 : TADHANA's POV
"Pinopormahan ka ba nun destiny? Baka nakakalimutan mo na 'yong ginawa niya sa atin doon sa bar niya." Sabi ni Tyron
"May ibinigay lang siya sa akin, ikaw talaga e kung anu-ano ang iniisip mo." Sagot ko
"Ano naman ang ibinigay niya sa iyo Tadz?" Tanong ni Timmy
"Gamot, galing sa Daddy niya." Kunot-noong tumingin sa akin ang dalawa.
"Anong gamot? Bakit ka bibigyan ng gamot ng Daddy niya?" Tanong ni Tyron
"Nalaman na nila Tatheana na hindi nila ako kapatid kay Mama Tessa, hindi nila ako hinayaang magpaliwanag, parang nagalit sila." Umpisa ko sa pagku-kwento habang nag-aayos kami ng mga paninda ng store.
"Hinahanap ka nga ni Tatz sa akin last night." Sabi ni Tyron
"Hindi ako sumama sa inyo pauwi agad, tumambay pa ako doon sa may tulay tapos ayun nga, nakita ako ni Tala, nag-usap lang kami at bigla raw akong namutla, kasunod nun ay nawalan na raw ako ng malay, nung nakita mo yata na buhat-buhay niya na ako." Sabi ko kay Tyron
"Eh bakit nga binigyan ka ng gamot ng Daddy niya at bakit siya pa ang nagbigay sa iyo? May sakit ka ba?"
"Wala akong sakit Timmy, vitamins 'to. Hindi na raw kinakaya ng katawan ko ang puyat at pagod, dinala ako ni Tala sa kanila kasi doctor 'yong Daddy niya, si Doc. Labrador." Kwento ko
"Daddy niya pala 'yon? Ang sabi nila e magaling na doctor daw 'yon." Sabi ni Timmy
"Ang alam ko nga e nurse ang Mommy nila, doon daw yata sila nagkakilala sa hospital." Sabi ko
"Sorry destiny, kung ano agad ang inisip ko."
"Ayos lang."
"Hindi kasi muna nagtanong, nagselos agad." Bulong ni Timmy
"Siraulo ka talaga."
"Mas siraulo ka."
"Siraulo kayong dalawa." Sabi ko at nagtawanan kami.
—
"Tadz."
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Gusto kitang makausap, hinintay talaga kita dito kahit kanina pa ang uwian namin."
"Bakit nga? Ayos lang ako, pakisabi na lanh sa Daddy mo na thank you ulit kung 'yon ang gusto mong marinig."
Ang kulet naman ng lalakeng 'to!
"Destiny, halika na, pumasok na tayo." Yaya ni Tyron sa akin
"Mauna na tayo sa loob, mag-uusap pa raw sila hindi ba? Hindi mo ba narinig?" Tanong ni Timmy, tiningnan niya ng masama si Timmy at ganoon din si Tala.
"Susunod din ako agad, mauna na kayo." Sabi ko
"Usap lang ha, baka mamaya e itakas mo na naman itong si Tadhana." Sabi ni Tyron kay Tala
"Usap lang." Sabi ni Tala
"So, ano nga 'yon?" Tanong ko
"Pwede bang tumugtog at kumanta ka ulit sa bar?"
"Bakit? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin noong nakaraan? Ipinahiya mo kami, ipinahiya mo ako."
"Hindi lang ako good mood that time, hinahanap ka kasi ng mga costumer namin e."
"Ayaw ko. Hindi ba't ang sabi ng Daddy mo e bawal akong mapagod at mapuyat?" Sabi ko
"Sige na, please, please Tadz."
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...