Chapter 07

6 0 0
                                    

CHAPTER 07 : TALA's POV

"Pumasok na kayo, huwag na kayong mag-alala, ayos lang pala ang Ate Hana niyo e, epekto lang 'yon ng gamot na ibinigay ni Doc." Sabi ng Papa nila.

"Pero Papa, gusto ko po ay nandito kami kapag nagising na si Ate." Sabi ni Tatheana

"Thea, sige na. Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." Sabi pa ng Papa nila.

Hana? Thea? Bakit iba ang tawag ng Papa nila sa kanina?

"Tatz, makinig ka sa Papa mo, okay lang ang Ate Tadz niyo, sige na 'nak." Sabi ng Mama nila

"Totoo po ba 'yon Tito Tristan? Hindi po ba mawawala si Ate? Wala po ba siyang malalang sakit?" Tanong ni Tatheana

"Totoo 'yon, nagpapahinga lang ang katawan ng Ate niyo dahil sobrang pagod na, sinabi ko na sa kanya 'yon noong dinala siya ni Tan sa bahay dahil nawalan ng malay habang nag-uusap sila. Walang malalang sakit ang Ate niyo." Sagot ni Daddy

"Thank you po."

"Go to school na, hinihintay ka na ni Tiffy."

Kinuha ng Papa nila ang wallet niya at kumuha ng fifty pesos. "Pamasahe niyo, mag-iingat kayo ha."

"Opo Papa."

"Ahm, pwede ko po silang ihatid sa mga school nila, alam ko naman po 'yon kasi doon din pumapasok ang kapatid ko." Sabi ko

"Ay, nakakahiya naman. H'wag na."

"Hindi, ayos lang po. Dad, gagamitin ko muna 'yong kotse, babalik din po ako agad para makapunta na kayo sa medical mission niyo."

"Sige anak, oobserbahan ko pa itong si Tadhana." Sagot ni Daddy, pinasakay ko sa kotse ang tatlong kapatid ni Tadz at inihatid namin sila ni Kuya Tonie.

"Thank you Kuya Tala." Nginitian ko si Tatz, kilala ko siya pero hindi ang dalawa pa nilang kapatid.

"Thank you po." Nakangiting sambit ng maliit na bata

"You're welcome, anong name mo?"

"Ako po si Torienne."

"At ikaw?"

"Tamara po."

"Tamz, ikaw na ang bahala kay Torz mamaya ha, hintayin niyo na lang ako dito sa may gate at sabay sabay tayong uuwi ha."

"Opo ate."

"Kuya Tala, salamat po ulit, papasok na po kami."

Pagpasok nila ng school ay bumalik na kami sa bahay nila. "Teddy, aalis na ako, may medical mission kasi ako ngayon, si Tan an ang bahalang magbantay sa anak niyo,wala naman siyang pasok ngayon e." Sabi ni Daddy

"Maraming salamat Tristan." Sabi ng Papa ni Tadz

"Thank you." Sabi ng Mama niya at nakipag-kamay pa kay Daddy.

"Anak, ikaw na muna ang bahala sa kanya, i-monitor mo siya, ang temperature niya, lahat. Tawagan mo ako kapag nagising na siya, okay?"

"Yes Dad."

Pagka-alis ni Daddy ay inabutan ako ng kape ng Mama nila Tadz. "Salamat po."

"Ako si Tessa, Mama ni Tadz, ito naman si Teddy, Papa niya."

"Nice to meet you po. Ako po si Tan pero Tala po ang tawag nila sa akin." Sabi ko

"Nag-almusal ka na ba? Ipaghahanda kita."

"H'wag na po Tita, okay na po itong kape, nag-breakfast na po ako sa bahay bago kami umalis."

"Ah gano'n ba? H'wag kang mahihiya dito ha, sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka."

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon