CHAPTER 20 : TADHANA's POV
Nanlalamig ako.
"Masama ba ang pakiramdam mo, Tadz? Namumutla ka tapos pawis na pawis ka." Sabi ni Tanya, natataranta na siya.
"Ayos lang ako, kailangan ko lang gumamit ng rest room."
"Sasamahan na kita, halika na." Mabilis kaming naglakad patungo sa comport room.
Paulit-ulit akong humingang malalim, pinunasan ko ang pawis ko at nag-powder ng konti.
Sana mali ako.
Paglabas ko, kunot-noong nakatingin si Tanya sa akin.
"Ang bilis mo namang magbawas ng sama ng loob."
"Ha? Hoyy! Grabi ka, hindi ako nagbawas ng ano, umihi lang."
"Ay! Pawis na pawis ka kasi tapos namumutla, akala ko hindi mo na mapigilan. Gano'n kasi ang nangyari sa akin noong isang linggo sa Mall." Tumatawang sabi ni Tanya
"HAHAHAHA! Mabuti at hindi ka inabutan."
"Grabi, nakakahiya 'yon Oy! Hindi na ako lalabas kapag nangyari 'yon." Sabi ni Tanya, nauna na kaming pumasok sa room, pagpasok ni Tyron ay tiningnan ko siya ng seryoso, si Tyron ba 'yon? Magagawa ba talaga niya 'yon?
Hmm, No! Hindi ako dapat humuhusga agad, baka praning lang ako, baka naman nagkakamali lang ako, pero . . . hayst!
"Ang gumugulo ba sa isip mo ay ang gumugulo rin sa isip ko?" Agad kong nilingon si Timmy, tiningnan ko siya ng may pagtataka.
"Ano ba'ng iniisip mo?" Tanong ko at sinulyapan si Tanya, mukhang na kay Tyron na naman ang atensyon niya.
"Alam mong news ang libangan ko, Tadz."
Napabuntong hininga ako, pareho nga yata kami ng iniisip. "Kanina ka pa tulalang nakatingin kay Tyron tapos bigla kang napapa-iling."
"Tim, sa tingin mo, kaya niya 'yong gawin? Pumatay ng tao, nang babae."
"Paulit-ulit ko ring kinukumbinse ang sarili ko na hindi, pero–"
Umiling ako, napatingin ulit kami kay Tyron. He's weird, alam namin 'yon pero h'wag naman sanang umabot sa gano'n, he's obsessed sometimes, may sakit siya, pero minsan lang siya atakihin nun, nagkukulong siya sa kwarto kapag alam niyang malapit na, kapag alam niyang mawawala na siya sa katinuan niya. Hindi namin 'yon pinag-uusapan kapag kaharap namin si Tyron dahil nag-iiba ang mood niya, hindi alam ni Tanya ang tungkol dun.
"Tadz, ayos ka lang?"
"Tala! H-Hi, a-ayos lang ako, kanina ka pa ba d'yan?"
"Kakarating ko lang, tutugtog ka ba mamaya?"
"Oo, kailangan ko ng pera eh, bibilhan ko si Lola ng mga prutas araw-araw."
"Sabay na tayo papunta doon. S'ya nga pala, sabi ni Dad e nagpunta ka raw sa bahay kanina."
Bigla akong namula. Shocks!! Sinabi kaya ni Doc. Tristan?
"Ah, o-oo, nagdeliver ako ng groceries ng Mommy mo."
Nakangiti siyang nakatitig sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko, naku! Sinabi nga yata ni Doc., tsk!
"Ayusin natin ang kilay mo." Muntik na akong matawa sa ibinulong niya.
"Okay naman ang kilay ko ah."
"Gusto mo bang maging beauty queen?"
"Tala kasi–," Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pumasok na ang terror naming Professor.
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...