Chapter 04

6 0 0
                                    

CHAPTER 04 : TADHANA's POV

"Nasaan ako? Ano'ng ginawa mo sa akin?" Tanong ko, pagmulat ng mga mata ko'y si Tala agad ang bumungad sa akin, naka-kunot noo at tila tinititigan ako.

"Wala akong ginawa sa 'yo 'no! Binantayan lang kita hanggang sa magka-malay ka na, you're here in my house."

"Ano'ng oras na?" Tanong ko, tumingin siya sa phone niya.

"Mag-a-ala una."

"Ha?? Madaling araw na! Kailangan ko ng umuwi, maaga pa akong papasok mamaya." Sabi ko at mabilis na naglakad patungo sa pinto, pagbukas ko ay nakita ko si Miss Teressa kasama si Tiffy.

"Oh God, thank you. Gising ka na ate, how are you?"

"Ayos lang, uuwi na po ako." Sagot ko

"Sigurado ka bang ayos ka na? Pwede namang dito ka na magpalipas ng gabi."

"Hindi na po Miss Teressa, baka nag-aalala na po sa akin ang Mama ko." Sagot ko

"Sorry Ate Tadz, tinawagan ko si Tita Tessa kanina, sinabi ko lang na nandito ka at kausap mo si Mommy para sa contract about sa paghahatid sa kanya tuwing mamimili siya doon sa store, nagsinungaling ako kasi ayaw ka naming pangunanhan, sinabi kong nandito ka para hindi sila mag-alala."

"Salamat Tiffy pero ano nga ba ang ginagawa ko dito?" Tanong ko

"Wala kang natatandaan?"

"Wala po." Sagot ko kay Miss Teressa, tumingin sila kay Tala.

"Dinala kita dito kasi nataranta na ako, nag-uusap tayo sa may tulay tapos bigla kang namutla, na-out of balance ka then natumba, bigla kang nawalan ng malay kaya dinala kita agad dito, doctor naman si Daddy e."

"Bakit ganyan ang tingin niyo sa akin? May malala ba akong sakit? May taning na ba ang buhay ko? Kinakabahan po ako sa mga titig niyo."

"Nothing Ate Tadz, sabi ni Daddy e you need to rest lang daw, nasobrahan ka na raw sa work at hindi na kinakaya ng body mo, rest lang ang kailangan mo saka bawasan daw ang mabibigat na trabaho." Sabi ni Tiffy

"Salamat, salamat po. Babawi na lang po ako sa susunod pero uuwi na po ako, maraming salamat po ulit." Sabi ko

"Ihahatid na kita." Sabi ni Tala

"Hindi na po kailangan Sir, kaya ko pong umuwi mag-isa."

"Yeah, I know pero this oras? Wala kang masasakyan sa labas ng ganitong oras, kapag naglakad ka naman e baka mawalan ka na naman ng malay at baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo sa daan."

"Ay, concern."

"Shut up Tiffy."

Tama naman siya, mahirap humanap ng masasakyan ngayong ala una na ng madaling araw, baka mapagdiskitahan pa ako ng mga tambay.

"Pumayag ka na ate, kahit ngayon lang."

"Si-Sige, thank you."

No choice ako.

"Kuya, ihahatid natin siya sa bahay nila." Sabi ni Tala sa Driver nila.

"Okay po Sir."

Binuksan ng driver ang pinto ng kotse at pinapasok ako, itinuro ko rin sa kanya kung saan ako nakatira at kung saan ang short cut para mabilis kaming makauwi.

"Sir Tan, malapit na po tayo." Sabi ng Driver, TAN? sino 'yon? Akala ko ba e Tala ang pangalan niya. Naka-kunot noo akong napatingin sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin.

"Dito na lang, thank you." Sabi ko at bumaba na. "Just a favor." Sabi ko ng sumilip siya sa bintana.

"Ano 'yon?"

Si Tala at Si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon