Chapter 1
Mathhais.
"Kuya gising na....kuyaa.."rinig kong tawag ni elein
"hmm.."ungol ko na medyo may pagkainis tas tumalikod
"kuya...gising na,susumbong kita kay mama"sabi ni elein
Irita akong umupo sa kama habang kamot kamot batok ko.
"kuyaa...gising na daw sabi ni mama!"inis na sabi ni jackson na papalapit samin
"opo wait lang po ah?kumain na kayo dun.Maliligo lang ako"sabi ko sabay naman silang umalis
Napahikab nalang ako dahil sa antok haysss ang aga aga pa.Kinuha ko na yung tuwalya ko at pumasok sa cr
Pagpasok ko sa cr ay isinabit ko yung tuwalya sa gilid at tumingin sa salamin
"hayss ang gwapo ko na naman"sabi ko sa harap ng salamin,di sa pagmamayabang pero sobrang gwapo ko.
Hinubad ko yung pang itaas ko at humarap ule sa salamin.hindi batak yung katawan ko pero may abs!payat at may anim na abs ang katawan ko tas moreno yung balat ko
Hayssa...hirap magdescribe basta gwapo ako,pinagtitilian ng mga kakababaihan at kabaklaan.
Ako nga pala si matthais montreal,highschool lang ang natapos ko dahil wala kaming pera pangpaaral ko,hindi na nagparamdam si tito xavier na nasa france ngayon kaya't ito naghihirap
Naligo na ako at nagbihis tas lumabas sa kwarto,nakita kong kumakain na sila
"goodmorning ma"sabi ko tas hinalikan siya sa pisnge
"kumain ka na diyan at para maihatid mo na yung mga kapatid mo"seryosong sabi ni mama,tskk parang laging may regla si mama.Laging mainit yung ulo simula nung hindi na nagparamdam si tito xavier.
"ma may regla ka ngayon?"tanong ko napatingin naman siya sakin.Kinuha niya yung tsinelas na pambahay na suot nya at binato sakin
"aray!ang init ng ulo mo lagi ma.Wag kang mag alala ma sayo parin uuwi si tito xavier ayiee ngingiti na yan"pang aasar ko tas umupo.
"hatid mo na nga yung mga kapatid mo!"inis na sabi ni mama
"lah di pa nga ako nakakain ei!"sabi ko
"hahatid mo o lilipad sayo to"sabi ni mama tas kinuha yung tsinelas nya
"tskk tara na nga"inis kong sabi tas kumuha ng isang pandesal tas kinain.Parang tropa ang turingan namin ni mama sa isa't isa kaya wag na kayong magtaka
Hinatid ko na sila jackson tas pumunta kila zack.
_
"oh ano pre?aga aga ah?"tanong ni zack pagkapasok ko ng bahay nila
"di ako pinakain ni mama,pahingi nga!may mainit na tubig pa kayo dyan??"tanong ko tumango naman siya.Nagtimpla ako ng kape para mawala antok ko
"asan pala si lycus?"tanong ko
"ayun namamakla,pang dadate nya sa girlpren nya"sabi niya
"gagu talaga yun.Nga pala baka may alam kang trabaho dyan o raket.Wala na kaming pangbigas eii"sabi ko,tskk 700 lang kasi yung binabayad sa karendirya tas wala pang matinong trabaho
"bakit G ka ba sa raket namin?"tanong niya
"ewan,ano bang raket niyo?"tanong ko tas humigop ng kape
"nangiisnatch sa divisoria tas nagnanakaw,o ano G ka?"sabi nito
"Pass pre,papalayasin ako ng nanay ko"sabi ko sa kanya
"ay ganun?edi mamakla ka na lang!"sabi nito napabuga naman ako ng kape
"ulol pre di ko kaya"sabi ko sa kanya
"edi magtrabaho ka sa isang restaurant,tagahugas!"sabi nito
"pass,baka makabasag pa ako tas pagbayaran pa ako"sabi ko,dati narin akong nagtrabaho ng tagahugas sa isang restaurant.Tangna isang plato.isang libo ang bayad
"edi no choice ka,tagahugas ka nalang nila aling lena hahaha"sabi nito habang tumatawa
"pakyu ka pre,sge pre una na ako"sabi ko tas linapag yung baso sa mesa tas tumayo na.Palabas na ako ng pinto ng makita naming papasok si lycus dito
"oh ano pre?magkano?"tanong ni zack kay lycus
"tangna naka wanpayb agad ako.ok na to"sabi ni lycus na medyo hinihingal pa
"paalis ka na pre?di ka na naman pinakain ng nanay mo no?"tanong ni lycus
"oo pre eii una na ako baka palayasin na ako nun pag wala akong dalang pera"sabi ko
"sge pre ingat"sabi nito tumango naman ako at umalis na tas pumunta sa karendirya nila aling lena
Sila zack at lycus ay mga kababata ko,wala na silang mga magulang dahil namatay na,ngayon ay tumitira sila sa iisang bahay,para narin silang magkapatid,nagtutulungan sila tas minsan ang sweet sweet nilang tingnan.
_
"Buti naman nandito kana,tambak na yung mga ibang plato dito"sabi ni aling lena
"pasensya na aling lena,nalate lang nang gising"sabi ko
"osha simulan mo na para maaga tayong magsara"sabi nito
"sge aling lena"sabi ko tas pumasok sa kusina.Nakita ko ang napakaraming plato na nakatambak sa lababo
Hayss....ang hirap talaga ng buhay parang life,punyeta.
"ah n-nandito ka na p-pala"napatingin ako sa nagsalita.
"oh jamee.Sorry medyo nalate ako nang gising"sabi ko, si jamee yung anak ni aling lena,mahinhin siyang babae at mahiyahin.
"a-ah ok lang,s-sge maya nalang,baka pagalitan na naman tayo ni inay"sabi nito at ngumiti tas umalis,.Pinagalitan kasi kami ni aling lena nung nakaraan.Medyo nagiging madaldal sya pagkausap ko.
_Plss vote&comment.
BINABASA MO ANG
The thief who stole my Heart||✓
Ficción GeneralMatthais Montreal,lumaki ito sa simpleng pamumuhay.Nung bata pa siya ay minsan nakukuha niya ang gusto niya dahil sa Tito Xavier niya na pangalawang asawa ng mama niya.Ngunit ng magtungo ang Tito niya papuntang ibang bansa ay pinapadalhin naman sila...