Chapter 16

1K 73 4
                                    

Chapter 16

Matthais.

"oh pre musta?musta si elein?"tanong ni zach pagkakita niya sakin papasok sa bahay nila,hinatid ko lang kasi si jackson sa skwelahan tapos dumiretso na ako dito.

"ayos lang pre,nasa ospital pa si elein may side effects daw kasi yung pangchemo kaya dun mo na siya sa ospital,binabantayan ni mama"sabi ko tas lumapit sa kanila

"eii bat ka nga pala nandito?"tanong ni lycus na lumalamon ngayon.

"pre baka naman makahiram ng cellphone diyan"

"alam mo pre,hindi ka namin mapapahiram ng cellphone pero mabibigyan ka namin"sabi ni zach tas inakbayan ako

"ano ba gusto mo pre,vivo?iphone?oppo?ano pre sabihin mo lang"sabi ni lycus

"naku basta yung magagamit pre"nahihiya kong sabi tas kinamot batok ko

"wag kang mag alala pre bukas na bukas makukuha mo na"

"sge pre maraming salamat talaga"

_

"pre hinahanap ka na naman nung zeke"sabi ni albert pagkalabas ko dahil kakakuha ko lang ng sahod ko dahil sahudan na namin.

Tumango ako kay albert tas pinuntahan si zeke

"ahm ano nga palang ginagawa mo dito?"tanong ko kay zeke pagkalapit ko sa kanya,minsan nalang siyang pumunta dito.

"nothing,i just want to check you.how are you?"tanong nito umupo ako sa harap niya

"ahhh ok lang naman,ikaw?"

"i'm just fine too,how's your sister?"

"ahh nasa ospital na siya ngayon dun muna daw siya dahil may side effects pa yung chemo niya"

"hmm..pwede mu be akoeng semahan papoenta dun?"

Pota bat pag siya nagtagalog ang cute,tangna pag ako nag english mukhang abno.

Unpeyr ampt.

_

"pre??"sabi ko tas kinatok yung pinto nila lycus.

"pre???"sabi ko at kumatok ulit maya maya ay bumukas ang pinto at nakita kong si zach ang nagbukas na mukhang kagigising lang.

"tangna naman ang ingay ingay,natutulog pa yung tao ano ba kailangan mo pre?"galit na sabi ni zach habang pungas pungas ang mata

"pre yung cellphone?"

"pasok."sabi nito at pinapasok ako sa loob nakita ko si lycus sa upuan na kagigising lang din at galing pa ata sa inuman kagabi.

"oh yan,bago yan ah pinaayos na namin yan ni lycus,meron na tayo tig iisa"sabi niya at binigay sakin ang touch screen na cellphone na ang tatak ay vivo

"nakaw niyo to?"tanong ko habang tinitignan yung cellphone

"gagu wag ka ng magreklamo atsaka bakit bihis na bihis ka?"tanong niya

The thief who stole my Heart||✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon