Chapter 7

1.3K 75 0
                                    

Chapter 7

Matthais.


Witwit*


Narinig ko ang pagsipol ni lycus kaya pumwesto ako sa medyo unting tao at tinaas ko ang kamay ko para makita ni lycus na nakapwesto na ako

Naghintay ako ng mga ilang oras kay lycus,siguro tumatakbo na ngayon si zach.tumingin tingin ako sa dulo para maabangan ko si lycus

Maya maya ay nakita ko na si lycus,mabilis na tumatakbo dito.pagtakbo niya papunta sakin ay hinagis niya sakin ang isang pares ng pitaka,buti nalang walang nakakita.

Kinuha ko yung selpon ni lycus na sira at lumang luma para hindi ako mapansin.naghintay lang ako ng mga ilang minuto at nakita ko yung humahabol kay lycus na may kasamang barangay tanod.

Pagkalayo nila ay umalis na ako at pinuntahan si zach sa kabilang kanto.pagkarating ko dun ay nakita ko siyang hingal na hingal,napatingin naman siya sakin.

"oh ano?ayos ba?"tanong niya,tumango naman ako at lumapit sa kanya

"tara tingnan na natin"sabi niya kinuha niya yung wallet na hawak hawak ko at binuksan,nakita namin na may litrato dun at may nakita kaming 2k at tatlong daan tas dalawang bente sa loob.

"tangna ang swerte nga naman natin oh"sabi ni zach.

Nandito kami ngayon sa may divisoria dahil nga sumama na ako sa kanila.pang apat na beses na namin ito at marami at malaki laki din ang nakuha namin

"tara puntahan na natin si lycus"sabi nito,tumango naman ako pinuntahan si lycus

_

"oh! Ha..ha..ha.. Tangna mukhang may pera yung nanakawan ko,tingnan natin!"sabi ni lycus na ngayon ay hingal na hingal sa pagtakbo.

Binuksan niya yung wallet at may picture itong babae na naka bra at panty lang habang nakadapa

"tangna sexy!"sabi ni lycus,binuksan niya naman yung lalagyan ng pera at nakita naming may 6k sa loob nun,agad kinuha yun ni lycus.

"tangna tiba tiba tayo,laki ng mga nakuha natin!"sabi ni zach na nakaakbay sakin

"tangna may pang inom na naman tayo mga pre!"sabi ni lycus

"tangna niyo!paghatian na natin yan!"sabi ko,nagtitipid kasi kami nila mama dahil nga kay elein.

_

"ahm excuse maam,sir!magjowa po ba kayo?nagdadate po ba kayo ngayon?"makapal na sabi ko,napahinto naman yung dalawa at napatingin sakin

"yep why?"sabi nung lalaki

"naku maam!swerte niyo at napadaan kayo dito!bago lang po kaming bukas!Ang FANcit restaurant!bagay na bagay po kayo lalo na't at magjowa kayo!may mga  pang couple's na pagkain po samin,mura lang ho at sulit na sulit ang pagkain niyo dahil sa sarap ng pagkain namin dito!oh ano maam?sir?"sabi ko tas medyo huminga ako dahil naubusan ako ng hangin,kakasalita.

Tumingin sila sa isa't isa at tumango naman yung babae tas tumingin sakin,napangiti ako.

"sure."sabi ni maam kaya't agad ko tinuro yung restaurant na pinapasukan ko.sa kalye kasi ako nag ooffer.

"boss pakialalayan"sabi ko kay sir carlos,napangiti naman siya dahil may bago na namang costumer.kinalabit niya yung isang waiter at inalalayan yung kasama ko.lumapit naman sakin si sir carlos

"mukhang swerte ako sayo ah!"sabi ni sir carlos,dumadami na kasi yung pumupunta dito

"naku di naman boss,kailangan lang talaga magsipag"sabi ko at napakamot sa batok dahil medyo nahihiya ako.

"naku!ipagpatuloy mo yan!goodjob matt!"sabi nito

"boss walang promotion?......jwk"sabi ko tas lumabas na ulit para manghikayat ng mga costumer.

_

"ohh nanjan ka na pala matt."napatingin ako sa nagsalita

"ohh jamee."sabi ko tas tinuloy lang ulit yung paghuhugas

"ahmm may naipon ka na ba? Baka pag kulang meron pa ako dito,marami naman akong napagipunan kaya ok-"di ko na siya pinatapos.

"naku ok na yung binigay mong tulong jamee,salamat pala dun."sabi ko sa kanya at ngumiti,nakita ko ang pagpula ng pisnge niya.

"n-naku ok lang n-naman eii hehe basta pag may kailangan ka sabihin mo lang sakin ah"sabi niya

"oo b-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may narinig kaming nagsalita

"huy kayong dalawa na naman dyan!hapon na hapon!hala sge ikaw jamee ah makukurot kita sa singit!umakyat ka na dun at nag tatrabaho si matt!"sigaw ni aling lena

"ahh sge bukas nalang haha"sabi nito at umalis na,napailing naman ako.

_

"oh anak,kamusta mukhang pagod ka ah?kumain ka na ba?"sabi ni mama at kita mo ang lungkot sa mata niya,niyakap ko na lang siya.

"wala ma,kaya ko pa naman eii medyo kulang lang sa tulog"sabi ko tas dahan dahan kong sinayaw si mama habang nakayakap,napayakap nalang din siya sakin at naramdaman ko yung namumuo niyang luha sa dibdib ko.

"shhh tahan na ma,makakaya natin to"sabi ko sa kanya habang sinasayaw parin siya,maya maya ay kumalas na siya at pinunasan yung luha niya

"hala sya,kumain ka na at nang makapagpahinga ka"sabi ni mama, tumango naman ako at hinalikan si mama sa pisnge tas naglakad na papuntang kusina dahil kanina pa ako gutom na gutom.

Pagtapos kong kumain ay naligo muna ako tas natulog para makapagpahinga.

_

Alas kwatro na ng hapon nang magising ako.

Nakarinig ako ng sigawan sa labas at nakita ko ang nagtutumpukang mga tao sa labas kaya lumabas din ako,medyo may muta muta pa ako at magulo ang buhok pero isinawalang bahala ko na lang

"pasensya na ho kayo!ngunit may 5 buwang palugid na lang kayo para umalis,hindi na rin kayo talo dun!"sigaw nung mukhang abogada habang may hawak hawak na papeles

"aba walang aalis dito!at sinong nagsabing siya ang may ari ng lupang to ah?!"sigaw nung matandang lalaki na si kuya alberto

"si senyorito lopez ang may ari ng lupa na ito at itong papeles ang nagpapatunay na sa kanya ang lupang ito!"sigaw nito at winagayway pa sa hangin yung papeles

"wala!walang aalis samin!kayo ang umalis at baka di na kayo makaalis dito!"sabi nung lalaking siga at kumuha ng dos por dos at yung iba naman may bato at kahoy,nakita naming natakot ang abogado.

"b-basta m-may limang buwan n-na lamang kayo!tandaan niyo!"sigaw nito at umalis kasama ang mga kasama nito.

'nakuu wag naman sana,wala na kaming ibang matitirhan'

'oo nga kumare kami rin"

Bulong bulungan dito,nakita ko si mama na papalapit dito.

"hayss sana naman hindi tayo paalisin dito"sabi ni mama at halata sa kanya ang lungkot,dito na kasi lumaki si mama kaya't masakit sa feeling na gigibain ito.

"hindi yan ma,magdasal nalang tayo na sana hindi gibain ang mga bahay natin."sabi ko

"hayss sana nga,halika na't pumasok na tayo"sabi nito at pumasok na ulit kami sa bahay.

_

Plss vote&comment.


The thief who stole my Heart||✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon