Hanggang ngayon di pa rin makalimutan ni Vea kung paano siya ngitian ng isang Vinn Lewis nung nakaraang gabi sa bahay nila. Sobrang hindi niya iyon inakala like hello, ang sungit kaya nun tas magsmasmile nang ganoon? Hell, it's a miracle sis.
Dalawang araw na ang nakakalipas pero nakaukit na sa utak niya ang maganda nitong ngiti.
Ba't gwapo lahat nakikita niya sa lalaking 'yon? Grabe, masama na talaga tama niya rito. Nakakatakot.
Kasalukuyan siyang nasa library dahil vacant niya. Pinili niya rito kasi tahimik at gusto niya din namnamin yung oras sa pag-iisip sa longtime crush niya. Oo, yun lang gagawin niya sa loob ng isang oras at kalahati. Baliw diba?
Naupo pa siya sa may sulok para walang isturbo talaga. Wala rin naman siyang kailangan gawin na assignment o research kasi tapos na niya kagabi pa kaya wala siyang ganap kundi isipin si Vinn.
Siya kaya iniisip din nito? Sana naman no, ang unfair kaya kung siya lang. Tss. Charoot. Akala mo naman mutual sila ng nararamdaman e. Psh.
Napairap siya dahil dun pero hindi siya susuko magugustuhan din siya nito. Not now but very soon.
Magkakagusto ka rin sa akin, sungit. Humanda ka.
With that in mind, she started planning on how to make Vinn Lewis Favero fall for her very hard. Oo, papaibigin niya ito sa kanya tutal parang ganun naman na ang nararamdaman niya rito. Dapat pareho sila para goals. *smirk*
____
The whole three months passed by like flash. Ni hindi niya namalayan na panibagong buwan na naman pala at malapit ng matapos ang unang semester ng klase.
Sa mga buwan na 'yon ay naging busy siya hindi lang sa academics kundi pati sa ibang bagay gaya ng dance club kung saan kasali siya sa mga bagong member nito.
Ever since she was a kid, dancing has been her passion and talent. Namana nila iyon ng ate niya sa kanilang daddy na dating member ng kilalang dance troupe.
Mula paman noon kasali na talaga siya sa mga grupo na laging sumasayaw kapag may program o okasyon sa paaralan. Hindi naman siya pinigilan ng mga magulang bagkus suportado sila ng ate niya palagi marahil alam ng mga ito na hindi nila pababayaan ang pag-aaral.
Katatapos lang ng practice nila para sa gagawing intermission ngayong darating na election for new sets of student council officers. Sila ang opening kaya maaga palang pinaghahandaan na nila.
Pagod man at inaantok sa buong araw dahil marami ring pinapagawa sa kanila lately ang ilang professors, nagawa niya pa ding magmaneho ng maayos at nakarating ng bahay ng walang anumang gasgas.
Parang naubos energy niya at gusto nalang mahiga agad pagkapasok.
Yun sana ang plano niya ngunit nabura iyon nang may malaman.
"Good evening po, mam. Hinihintay na po nila kayo sa dining room." Salubong sa kanya ng isa nilang kasambahay
"Pakisabi po ate na mauna nalang sila, matutulog muna ako baba nalang po ako mamaya." Sagot niya
"Ayy sige po, sasabihin ko po sa kanila. Andun din po kasi iyong pamilyang Favero? Basta yung kaibigan ng pamilya niyo po." Saad nito na hindi pa sigurado sa binanggit na apelido
Bago paman siya nito talikuran ay binawi na niya ang naging sagot.
"Nagbago na pala isip ko ate, sasabayan ko po sila baka kasi hindi ako magising mamaya malipasan ako."
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."