True to his word, we ride his car again and went somewhere she's not aware of. Nasa shotgun seat lang siya tahimik na nakatingin sa labas ng bintana habang ninanamnam ang sandaling magkasama silang dalawa ni Vinn. She is still in shock up until this very moment, hindi pa masyadong maproseso ng kanyang utak ang naganap ngayong araw na ito.
Pakiramdam niya nasa alapaap pa rin siya dahil sa naging pahiwatig ng kababata patungkol sa nararamdaman nito para sa kanya.
She's not just imagining things, right? Malinaw din ang mga narinig niya mula rito diba? Diba??
Kailangan niya ng assurance baka kasi mali siya ng nadinig at pinaglalaruan lang ng kanyang tenga. Mahirap ng magmukha siyang asang-asa.
Napabuntong-hininga siya dahil sa naisip.
"What's wrong?" May pag-aalalang tanong sa kanya ng katabi matapos siya nitong tapunan ng tingin
"H-ha? Ahm.. nothing." Sinabayan niya pa ng iling para maniwala ito
Napaigtad siya ng hawakan ng kanang kamay nito ang kaliwa niya at marahan iyong pinisil.
"Don't hesitate to tell me if there's any, hmm?" Ang mga mata nito ay nasa daan pa rin nakatutok
"O-okay.."
Shit. Kanina pa siya nauutal sa tuwing tinatanong o kinakausap siya nito. Masyadong halata na naaapektuhan siya rito.
Umayos ka, V. Ibalik mo 'yong dating ikaw.
Muli niyang binalingan ng tingin ang bintana at pinagsawa ang mga mata sa kakatingin sa paligid.
Almost an hour, Vinn parked the car underneath a huge tree.
Inikot niya ang paningin sa lugar kung saan kasalukuyan silang naroroon. Halos puro halaman, mga kahoy at bulaklak ang nakapaligid sa kanila. Halatang makakalikasan talaga.
Maliliit na mga bato ang inaapakan ng mga sapin nila sa paa nang makalabas sila pareho ng binata sa kotse. Lalo tuloy siyang nacurious kung saang lugar sila.
Akma niyang tatanungin si Vinn nang hawakan siya sa kamay nito dahilan upang siya'y matigilan at matulala saglit. Ang mga mata niya'y nakapako sa magkalapat nilang mga palad.
Dafudge! Yung puso niya umaariba nanaman. Asdfgdjkszc!!
"Let's go. I want you to see this," Anito
Nakakunot ang noo siyang nagpahila rito habang hindi pa din malaman kung paano pakakalmahin ang dumadagundong niyang puso.
Halos limang minuto rin silang naglalakad bago tumigil at salubungin ng preskong hangin mula sa napakagandang dagat na nasa kanilang harapan ngayon.
She's in awe watching the peaceful and calm blue sea. Only the chirping sound of the birds, the waves, and their breathes can be heard in the area. No one spoke for the meantime. They both chose to enjoy the moment standing side by side while holding each other's hands, witnessing one of the wonderful creations of God.
Yung itsura nila ay parang nasa isang music video sila ni sungit dahil sa ambiance maging ang view na mayroon silang dalawa kaya naman ang kilig niya ay abot langit na at di na maawat pa.
Taray sa music video na vibes ha.
Ilang segundo din sila parehong tahimik hanggang sa masilayan niya ang paglubog ng haring araw.
"Beautiful." Bulalas niya
"Very." Segunda naman ng katabi
Napangiti siya sa sinambit nito kaya bahagya niya itong sinulyapan ngunit ganun nalang ang pag-awang ng bibig niya ng makitang sa kanya ito nakatingin imbis na sa magandang sunset.
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."