A/N: Welcome to Vea & Vinn's story😊
Happy Reading!!
_____It was five in the afternoon when she arrived at their house. Pagod siya at gusto na lamang matulog sa kwarto. She was exhausted from the surprise quizzes, group activities and oral recitations made by her professors.
Feeling niya nawalan siya ng energy sa lahat ng nangyari ngayong araw. Hindi naman na dapat bago iyon pero hindi pa rin siya sanay. Ipagpapasalamat na lang niya na hindi araw-araw ganun ang senaryo kung hindi baka nabaliw na siya.
College life isn’t easy. It will test your knowledge and ability. Malayo sa pagiging chill noong elementary at sa wala pa gaanong pressure noong highschool. College is far different from those two. Sa college mo mararanasan yung tumakbo dahil limang minuto nalang time na, yung kumain nang hindi sa tamang oras, yung humikab sa kalagitnaan ng klase, yung kulang ka sa tulog, yung makakaidlip ka nalang dahil sa pagod at marami pang iba..
Maswerte siya sa mga kaibigang andiyan para samahan at kausapin siya ngunit iba pa rin kapag yung tao nakakarelate sa'yo mismo. She has four girl friends and each one of them pursued different programs. Iba-iba sila kaya wala siyang karamay sa kursong kinuha. Nevertheless, she is happy that they are in the same university. Magkaiba man ng building, nagkikita at nagkikita pa rin naman kahit papaano.
She is currently on the middle of their grand stairs when her mom called her.
Kahit kulang sa enerhiya ay nagawa niya pa ring balingan ito nang may ngiti sa labi.
“Hi, mom..” Bati niya rito
Her mom sweetly smiled at her greeting.
“You okay, sweetheart? You look tired.” May pag-aalala nitong tanong
She nodded and tucked some of the lose hair behind her ear.
“I’m good, my.. Medyo pagod lang sa school but I am okay.”
“Okay, sweetheart. Go and take a rest. Baba ka nalang mamayang dinner, hmm?” Wika nito
Muli siyang tumango at nagpaalam na aakyat sa kanyang kwarto.
Pagkarating sa harapan ng malaki niyang kama ay agad siyang dumapa rito. She just want to sleep all night but it wouldn’t be possible since she have to join her parents later at dinner.
Oo nga’t pwede naman siyang hindi sumabay sa mga ito pero minsan lang kasi sila nagsasabay tuwing hapunan kasi parehong busy ang mga magulang niya sa trabaho at kadalasan ay late na kung makauwi kaya ang siste mag-isa siyang kumakain, but she understands because they have work and that matter needs a lot of their time so she get it. Kapag kasi siya naman ang magkaroon ng trabaho ay alam niyang ganoon rin ang mangyayari.
Umidlip na muna siya saglit habang suot pa rin ang damit kanina. Plano niya ay mamaya nalang magpalit para isang bihisan lang ang kanyang gagawin.
Mga around seven siya nagising sakto rin nang pagkatok ng isa nilang kasambahay.
“Mam? Pinapababa na po kayo ng mommy niyo.” Imporma nito sa kanya
She got up and turned her feet towards the location of her bathroom.
“Susunod po ako, ate! Pakisabi kina mommy na bababa rin po ako. Thank you!” Sigaw niyang tugon rito habang papasok ng banyo
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."